Saturday , April 20 2024

Kris Aquino, magho-host muna sa Wowowin, new show waley pa

KAKATWA o very unusual ang pananahimik ni Kris Aquino sa kanyang teritoryo: ang social media.

Unusual dahil nakasanayan na nating makatisod ng kanyang mga post pero lately ay wala siyang ipinagbabanduhan for all the world to know.

Puwes, kami na ang gagawa nito para sa kanya.

Gaano katotoo na may linaw na ang pakikipagmiting niya kay Willie Revillaat sa mga staff nito na naganap sa Edsa Shangri-La Plaza weeks ago?

Earlier speculations had it na mayroon silang nilulutong TV project ni Willie. Pero hindi naman kasi ganoon kadali ‘yon.

May pinagdaraanan kasing proseso sa pagpi-pitch ng bagong programa. Bukod sa aspetong creative ay nariyan din ang marketing concern.

How true na wala pa munang Willie-Kris show na aabangan ang publiko, at sa halip ay ilalagay muna si Kris bilang host ng Wowowin?

Testing the waters, ‘ika nga, ang exposure ni Kris sa nasabing game show para sukatin kung tatanggapin ba siya ng mga manonood o hindi.

Bagamat masasabing magkakaroon na ng trabaho si Kris after the long wait, siyempre, para sa kanyang mga tagasuporta ay pagmemenos ito sa kanyang kakayahan. If ever, magiging one of those nga lang naman siya saWowowin sharing her supposed moment with the other co-hosts.

Pero may kasabihan nga, ”Beggars can’t be choosers.” Hindi man literal na pulubi si Kris pero para na rin siya nanlilimos ng trabaho.

Choosy pa ba?

‘Pang-aapi’
kay Andrea,
ibubulgar na

ISANG late night phone convo ‘yon sa isang dating katrabaho sa GMA. Ang paksa ng aming pag-uusap, si Andrea Torres.

As we all know, umalis na ang sexy actress sa pangangalaga ng Triple Ana pagmamay-ari ni Mr. Tony Tuviera a few months ago. Bagamat walang ibinigay na dahilan si Andrea sa kanyang pag-alis, common sense—plus being updated sa mga kaganapan sa showbiz—would dictate na malaking bahagi ng kanyang pag-alis ay may konek kay Mrs. Dantes.

Naisulat na namin dito sa Hataw ang nangyaring face-off sa dalawang aktres na parehong nasa ilalim ng Triple A.

Bale ba, ang nag-arrange ng deceptive meeting nina Andrea at ng isang aktres ay empleado rin ng Triple A na inaasahang hindi magiging biased sa sinuman sa kanila.

Well, apparently ay hindi ganoon ang kinalabasan. Obvious na hinayaan lang ng taong ‘yon na “kawawain” si Andrea gayong dapat sana’y dinepensahan din niya ito.

Back to our phone chat with a former co-worker in GMA. Sa ngayon ay nasa GMA Artist Center na si Andrea. At kung hindi kami nagkakamali, ang departamentong ito’y pinamamahalaan ni Simon Ferrer (sorry, hindi namin siya kilala).

With Andrea’s career now being taken care of by GMAAC, umaasa ang mga taong nagmamalasakit sa aktres na all-out ang suporta nito sa kanyang career.

By all-out support, we mean na hindi lang pababayaan si Andrea in terms of projects na ibibigay sa kanya ng network kundi ang depensa which she rightfully deserves against Mrs. Dantes if ever may emote na naman ito tantamount to power-tripping.

Kailangang patunayan ng GMAAC na handa nitong ipaglaban si Andrea laban sa kung anong pagbabanta ng mga nagrereyna-reynahan sa network who think they can get rid of other lesser stars at a snap of a finger.

Dahil kung hindi, nakikinita na naming ang susunod na lalayasan ni Andrea ay ang GMA mismo dragging her feet patungong ABS-CBN.

At kapag nangyari ang ganitong posibilidad, this must send an alarming signal to Mrs. Dantes. Ano pa ang dapat katakutan ni Andrea kung sakaling ibunyag na niyang lahat ang katotohanan ng “pang-aapi” sa kanya?

Waley na!

God forbid, pero ito ang dapat ipagdasal nang taimtim ni Mrs. Dantes as Andrea’s expose will surely put a bitter end to her career!

Despuwes, GMAAC, alagaan n’yong mabuti si Andrea or else…

What else?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III



About Ronnie Carrasco III

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *