Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Devon Seron, ‘di imposibleng mahulog ang loob sa Korean co-stars sa You With Me
Devon Seron, ‘di imposibleng mahulog  ang loob sa Korean co-stars sa You With Me

Devon Seron, ‘di imposibleng mahulog ang loob sa Korean co-stars sa You With Me

BIGGEST break ng dating PBB Housemate na si Devon Seron ang pelikulang You With Me na showing sa September 27. Isa siya sa bida rito with Korean stars na sina Hyun Woo at Jin Ju-Hyung. Bukod pa riyan, ang pelikula ay ipapalabas din internationally.

Sa presscon ng naturang pelikula kamakailan, tinanong si Devon kung okay ba sa kanya ang Korean looking guy?

Sagot niya, “Oo naman, oo naman. Lalo na sa pag-uugali. Doon talaga ko tumitingin sa ugali and very fun talaga sila. Lalo na sa mga co-actors ko, noong nag-shooting kami napakamaalaga nila sa akin. Kaya di imposibleng mahuhulog ka talaga.

“Hindi po showbiz iyon, totoo po iyon,” nakatawang saad niya.

Ayaw naman magsalita ni Devon at ngiti lang ang reaction sa mga nagtatanong kung totoo bang nililigawan siya nina Hyun Woo at Jin Ju-Hyung. Nasabi niya lang na kapwa mabait ang Korean co-stars niya rito.

Nang pinilit siyang magkomento sinabi ni Devon na, “Nakaka-speechless naman, siguro ‘yung bond namin sa isa’t isa, hindi ko alam kung… kasi noong time na magkakasama kami, ‘yung friendship namin ay tumataas din at nagiging close kami sa isa’t isa,” nakatawang wika ni Devon.

READ MORE:  Sherilyn, igiit na maganda ang relasyon kay Junjun at sa Pamilya Santiago (Claudine, madalas nalalagay sa alanganin)

Inamin din ni Devon na nag-gate crash siya nang nagkaroon ng audition para sa pelikulang ito.

“Pinaghirapan ko talaga ito at wala talaga ako sa original list kaya nag-gate crash audition ako. Nagpa-make-over talaga ako. Nag-iba ng kulay ng buhok, tapos nagpaiksi ako, parang sabi ko nga, ‘Ako pa ba ito?”

Kasama rin sa pelikulang You With Me sina Tonton Gutierrez, Assunta De Rossi, Jon Lucas, Hazel Faith Dela Cruz, Lee Seung-Yun, Sung In-Ja, Shin Dong-Hun, Lee Soo-Ryun, Oh Ja-Hun, Hastags. Ito ay handog ng Gitana Films Productions ni Ms. Tess Cancio, RR Films Entertainment, Film Line Pictures Production LTD, at Seoul Film Commission. Ito ay sa direksiyon ni Rommel Ricafort.

Direk Anthony Hernandez,
tribute sa mga guro
ang New Generation Heroes

ALAY ni Direk Anthony Hernandez sa mga guro ang advocacy film na New Generation Heroes ng Golden Tiger Films ni Mr. Gino Hernandez. Ayon kay Direk, happy and proud siya sa pelikulang ito dahil nakagawa siya ng isang makabuluhang panoorin.

READ MORE:  Int’l sexy actress, may papang congressman

“Masarap sa pakiramdam po ang makagawa ng isang pelikula na magbibigay aral or magbubukas sa kaisipan ng mga manonood. Kaya ang New Generation Heroes ay alay namin po sa lahat mamamayang Filipino dahil lahat po tayo ay dumaan sa ating mga guro. Sana mapanood po nila dahil dito makikita nila ang kahalagahan ng edukasyon at ng mga guro sa buhay ng bawat isa sa atin.

“Ito po ay tribute rin namin sa mga guro, dahil alam naman natin kung gaano kahalaga ang papel na ginagampnana nila sa ating lipunan,” saad ni Direk Anthony.

READ MORE:  Piolo, nagpaka-daring sa Silong, nagpakita ng butt!

Dagdag niya, “New Generation heroes is a touching film that narrates the story of four individuals that tackles the world of teaching in all its forms.

Ang New Generation Heroes ay isang advocacy film na tumatalakay sa values formation, rights to proper education, pagpapahalaga sa mga guro, at mga taong itinuon ang sarili sa pagtuturo. Ito’y base sa tunay na pangyayari at ang ilang eksena ay kinunan pa sa Korea.

Tampok sa pelikulang ito sina Aiko Melendez, Ms. Anita Linda, Jao Mapa, Joyce Penas, Dexter Doria, Debraliz Valazote, Alvin Nakkasi, Aleera Montalla, Rob Sy, at JM Del Rosario.

Showing na sa October 4 ang New Generation Heroes kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers Day. Premiere night nito sa Sept. 29, 2017 sa SM Mega Mall 6:00 pm, Cinema 7.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio



COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved