Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Daniel, huling gabi na ba sa La Luna Sangre?
Daniel, huling gabi na ba sa La Luna Sangre?

Daniel, huling gabi na ba sa La Luna Sangre?

NAILIGTAS na ng grupo ng mga lobo sa pangunguna ni Baristo (Joross Gamboa) ang miyembro nilang si Cattleya (Sue Ramirez) na isinangkalan ni Omar (Ahron Villena) kay Supremo/Gilbert Imperial) para maligtas ang asawa nitong nasa kamay ng mga bampirang pinamumunuan.

Wala kasi si Supremo ng mga sandaling iyon dahil magkikita sila ni Jacintha Magsaysay (Angel Locsin) pero late dumating ang dalaga.

Nagapi ng mga lobo ang mga bampira ni Supremo dahil tinulungan sila ng babaeng nakapula na hindi nakilala nina Baristo kaya gigil na gigil si Supremo/Gilbert at pilit na pinahahanap kung sino ito at iisa ang nasa isip niya, si Lia dahil nga wala pa ito sa kanilang tagpuan.

READ MORE:  JaDine, pinaghahandaan na ang isang malaking pelikula

Iba naman ang naisip ni Baristo (Joross) na ang babaeng tumulong ay si Samantha (Maricar Reyes-Poon) dahil sa pagkakaalam niya ay siya ang pinakamalakas na babaeng bampira sa ngayon.

READ MORE:  Showbiz mom, inisnab ang negosyanteng dati’y inuutangan

Plano nang umalis ni Supremo/Gilbert nang dumating si Jacintha (Angel) at sinabi nitong nasiraan ang sasakyan niya kaya siya na-late, pero iba ang duda ng una dahil nga hindi rin nito makontak ang cellphone niya noong tawagan niya.

Base sa ipinakita sa La Luna Sangre ay tinuturuang sumayaw ni Jacintha si Gilbert, ”kailangan mong matutong sumayaw kapag kasayaw mo ang kaaway mo” at napatingin ang binata sa kanya.

Huling ipinakita nitong Biyernes na nakikipaglaban si Tristan (Daniel Padilla) sa mga bampira at nakita ito ni Malia kaya tutulungan niya ang binata.

READ MORE:  Bimby, tinanong si Kris ukol sa sex

Base kasi sa nakita ni Jethro (Dino Imperial) ay may mamamatay na Luna at si Tristan nga iyon kaya pinababantayan ang binata.

Kaya malalaman ngayong gabi kung ‘last night’ na ni Tristan bilang Luna at ano ang pagbabago sa karakter niya.

FACTSHEET
ni Reggee Bonoan



COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved