Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Carmina, pangarap maging Pharmacist; Legaspi family, brand ambassador ng CitiDrug
Carmina, pangarap maging Pharmacist; Legaspi family, brand ambassador ng CitiDrug

Carmina, pangarap maging Pharmacist; Legaspi family, brand ambassador ng CitiDrug

KILALA at pinagkakatiwalaan ng iba’t ibang commercial brands at services ang pamilyang Legaspi sa pangunguna ni Zoren at asawang si Carmina Villaroel kasama ang mga kambal nilang sina Cassandra and Maverick, o simpleng sina Cassy at Mavy sa showbiz.

Kamakailan, muli silang nagsama-sama sa matatawag na “family outing” bilang mga bagong endorsers o “brand ambassadors” ng “one-stop-shop drugstore,” na CITIDRUG.

Bilang isang competitive generics at branded medicines pharmacy, ipinagmamalaki rin ng Citidrug ang pagkakaroon nila ng mga dagdag na serbisyo sa mga outlet nila gaya ng pagkakaroon ng ‘convenient store, bills payment services, at loading stations.

Naniniwala ang Citidrug na ang showbiz family ng Legaspi ay kumakatawan sa kanilang “core values” na mapagkakatiwalaan, nagkakaisa sa pagmamahala, at tunay na naniniwala sa produkto o serbisyong ineendoso nila.

“Their family being caring and nurturing as it is strong and united is what matches the brand,” susog kapwa nina Dr. Enrico Sta. Ana at William Scheirman, President at CFO ng Xentro Lifestyle, Inc., sa ginanap na re-launch ng Citidrug sa The Marquis Events Place at the Park Triangle sa BGC, Taguig noong Sabado.

Masayang-masaya ang buong pamilya nina Zoren at Carmina dahil bilang mga hands-on parents at naniniwala sa maganda at maayos na kalusugan ng pamilyang Filipino, matutupad na ang isa sa mga pangarap ni Carmina na magkaroon ng isang botika na naroroon na ang lahat.

“Para sa pamilyang Filipino talaga,” tsika ni Carmina sa mga serbisyo at mga ilalaman ng Citidrug. Kaya nga noong open forum ay nasambit ni Carmina na long-cherished dream niya ang maging isang pharmacist.

READ MORE:  Morning show ni Marian, walang sustansiya

“I’ve always imagined myself at the counter dressed as a Pharmacist. ‘Yung ako talaga ‘yung magbabasa ng reseta, maghahanap sa counter, mag-aabot sa tao, ‘yung mga ganoon,” saad ng aktres. Kaya naman siniguro ng management ng Citidrug na bilang bahagi ng kanilang pagiging ambassadors ay ang pagkakaroon nila ng franchise ng Citidrug.

“Having a loading station and bills payment services inside the pharmacy is just cool. Sounds so exciting,” komento naman ni Cassy na ayon kina Carmina at Zoren ay siyang nakamana ng “body clock” nila sa showbiz.

“Si Mavy kasi, siya ‘yung tipong mas gustong natutulog at nagpapahinga sa oras. Sa ngayon aside from sports, masaya na siyang maging Escort ng Bayan sa mga ‘sweet 16’ events o parties,” kuwento naman ni Zoren.

Kung mayroon mang “common” sa pagdidisiplina ng mag-asawa sa mga anak nila, ay ang pagtuturo sa mga ito ng value ng pera. ”The money they earn from their guestings, for example, is theirs. They can spend it the way they want it provided they spend it wisely,” pahayag ng mag-asawa.

Samantala, sa ilalim ng bagong pamumuno nito lamang May 2017 at sa lumalaking bilang ng halos 60 Citidrug operational outlets, looking forward ang CitiDrug na makapagpatayo ng aabot sa 300 company-owned at franchise stores sa buong bansa. May dagdag bonggang balita pa dahil nag-ooffer ito sa ngayon ng “discounted franchise packages” sa unang 100 interested applicants. Kaya sa mga interesado, mag- email lamang sa [email protected] or call 09277547239 for inquiries.

ELLEN, MADALAS
KASAMA SI ‘BABY
LOVE’ NA KUYA PA

KUNG pagbabasehan ang mga picture na ipino-post ni Ellen Adarna sa na kanyang Instagram account, puwedeng masabing nagkakamabutihan na sila ni John Lloyd Cruz..

READ MORE:  Makamandag na direktora, magaling magdala ng kakyondian

Pwede rin namang sabihin siya ang pinakamalapit sa ngayon sa aktor.

Tulad ng napapansin ng marami sa sunod-sunod na kuha nila sa kung saan-saan, makikita ang sweetness, caring, importansiya nila sa isa’t isa.

Sa post ni Ellen noong Miyerkoles, habang nasa Cebu, nakaakap si JLC kay Ellen habang nasa harapan niya ito.



Mayroong video post din ang dalawa na bagamat hindi kita ang aktor mababanaag naman ang anino nito habang inilalakad ni Ellen ang aso.

Rampa sa umaga with Kenzo 🏃🏻‍♀️🚶🏻🚶🏼‍♀️🏃🏻🐶 @ekomsi #anino

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on



May post din si Ellen na ipinakikita ang bagong gupit na si JLC. May caption iyon ng, “@ekomsi ang fresh ni kuya parang highschool lang hahaaha #Chess Nights.”

@ekomsi 👶🏻❤️ ang fresh ni kuya parang highschool lang hahaaha #chessNights

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on



Nitong Linggo, Setyembre 24, nag-post muli si Ellen ng malayong kuha sa babae’t lalaking magka-holding hands sa dalampasigan. Wala itong caption.



May post din na bukod sa dalawa ay isang kaibigan na tila katatapos lang o nag break for a picture, sa paglalaro ng chess.

Gnyt #chessNights

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on



May post din si Ellen na tinawag ni Ellen si John Lloyd na “baby love.”



Bagamat sinabi na ni Ellen na magkaibigan lang sila ni Jon Lloyd. Bahala na ang readers at followers ng dalawa ang mag-isip kung ano nga ba ang tunay nilang relasyon.

READ MORE:  Jodi, pipi sa hiwalayan nila ni Jolo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio



COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved