Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Pork scam queen Janet Lim Napoles may bagong argumento para ‘maka-Jinggoy’
Pork scam queen Janet Lim Napoles  may bagong argumento  para ‘maka-Jinggoy’

Pork scam queen Janet Lim Napoles may bagong argumento para ‘maka-Jinggoy’

LAGING may butas ang batas.

At ‘yan ay nagkatotoo na naman kung bakit nakapagpiyansa si dating senador Jinggoy Estrada at pansamantalang nakalalaya sa bisa ng piyansa.

Kaya naman biglang nainggit siguro si pork barrel scam queen Janet Lim Napoles at gusto rin maka-jinggoy.

Dahil sa butas-butas na batas, nakasilip ng argumento ang abogado ni Napoles na si Atty. Dennis Buenaventura.

Una, ang private individual umano gaya ni Napoles ay hindi maaaring ikonsiderang main plunderer.

Sa legal definition umano, ang main plunderer ay hindi maaaring pribadong tao, kailangan umano ay public officer o official.

Pinayagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa si Jinggoy batay sa Supreme Courts’s July 2016 ruling na inabsuwelto ang dating pangulo at kasalukuyang mambabatas na si Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa kasong plunder.

READ MORE:  Huwag sanang magaya sa Yolanda

At ‘yan ngayon ang minamataan ng pork barrel scam queen.

O ‘di ba?

Saan naman kayo nakakita, principal respondent sa plunder case, pero mukhang makapagpipiyansa pa, kasi nga private individual?!

Si Janet Lim Napoles ba ‘yan?!

E kung, hindi si Napoles, sino ang magiging principal respondent kung nakalaya na si “Tanda” at si “Sexy?”

Si Bong Revilla ba na naiiwan pa ngayon sa Camp Crame at nagpaplano rin na umapela para siya ay makapagpiyansa?

Hindi ba talaga itutuga ni Napoles kung sino ang kanyang ‘tatay’ sa pandarambong nang bil-yon-bilyong pork barrel, ang pondo ng sambayanan na ipinadaraan sa tanggapan ng mga mambabatas?!

Puwedeng magaling sumilip ng butas sa mga batas ang mga abogado ng mga plunderer, pero nakatitiyak ba sila na hindi butas-butas ang kanilang konsensiya?

READ MORE:  Stupiiiiddd

Janet Napoles, puwede ka ngang lumaya, pero kapag nakita ka sa mga pampublikong lugar tiyak na lalayuan ka, dahil para kang ‘ebak’ na pinandidirihan.

Mapalad ka pa kung hindi ka kuyugin ng taong bayan?!

‘Yun lang!

Nationwide protest
bukas hinikayat
ni Tatay Digong
para Martial Law
ay gunitain

Bukas, gugunitain ng sambayanan ang Martial Law — ika-45 taon sabi sa kasaysayan.

Hindi natin puwedeng malimutan ang petsang ito dahil, birthday ito ng erpat natin.

(Happy birthday Pa, saan ka man naroon, sana’y masaya na kayong magkasama nina Mama at ni bro Jimmy with our little angel Jelyn Grace. Please watch over us and save us from bad intensions and negative elements).

READ MORE:  Pinoys dinadaig sa job placement ng mga Chinese nat’l sa sariling bayan

Back to martial law commemoration, hinikayat nga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang publiko na maglunsad ng malawakang protesta.

Kakaiba ka talaga, Tatay Digs, ikaw pa ngayon ang naghihikayat na magprotesta ang sambayanan, pati na raw mismo ang mga nasa gob-yerno puwedeng magprotesta.

Sa ganang atin, experimental ang karanasang ito.

Dito rin natin masusubok kung gaano katatag ang gobyernong Duterte at kung gaano naman kahanda ang mga disgusto at diskontento sa administrasyon.

Kaya medyo, nakakakaba o nakae-excite ang experimentong ito ng Pangulo.

Mahigpit po nating babantayan ang mga kaganapan bukas.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
n Jerry Yap



COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved