Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nash, good son sa totoong buhay, breadwinner pa ng pamilya (Hiwalay ang mga magulang)
Nash, good son sa totoong buhay, breadwinner pa ng pamilya (Hiwalay ang mga magulang)

Nash, good son sa totoong buhay, breadwinner pa ng pamilya (Hiwalay ang mga magulang)

MISTERYOSO ang papel ni Nash Aguas sa The Good Son dahil base sa tatlong araw na episode na napanood namin sa Dolphy Theater nitong Lunes ay hindi namin mawari kung mabait o pasaway siyang anak ninaEula Valdez at Albert Martinez.

Hindi kasi palakibo si Nash bilang si Calvin at nasa loob ang kulo nito at galit din sa amang si Albert dahil sinasaktan nito ang damdamin ng inang si Eula.

Ipinakitang umiinom ng alak si Nash noong dumalaw siya sa puntod ng amang si Albert at sinumbatan niya ito dahil nasasaktan ang inang si Eula sa pagkawala niya.

Si Alexa Ilacad lang ang namumukod tanging kaibigan ni Nash sa eskuwelahang pinapasukan at sinabi niyag, ‘huwag mo akong iiwan, ikaw lang nakaiintindi sa akin.’

Sa confrontation scene nila ng kuya niyang si Jerome Ponce (Enzo) kasama ang inang si Eula Valdez (Olivia) at lolang si Liza Lorena laban kina Joshua Garcia (Joseph) at inang si Mylene Dizon (Racquel) ay bukod tanging si Nash (Calvin) ang hindi nakipagsagutan habang binabasa ang last will and testament ng kanilang ama na kahati ang anak sa labas.

Kaya namin nasabing misteryoso ang karakter ni Nash dahil posibleng siya rin ang may kagagawan kaya namatay ang amang si Albert (Victor) sa lason.

Lahat ng nabanggit naming karakter maliban kay Mckoy de Leon (Obet) na anak din ni Mylene sa ibang lalaki ay may kinalaman sa pagkamatay ni Victor.

Pero sa totoong buhay ay good son si Nash dahil siya na pala ang tumatayong padre de pamilya sa nanay, lola, at bunsong kapatid na 7 years old.

Hiwalay ang mga magulang

Sa blogcon ng The Good Son ay inamin ni Nash na hiwalay na ang magulang niya simula pa noong 2014 at simula noon ay siya na ang bumubuhay sa pamilya niya.

Kuwento ni Nash nang makausap namin ng solo. ”Noong umalis po si dad, okay pa sila kasi nagpunta pa kami roon (Amerika), dumalaw po kami, siguro mga 2013-2014 po nangyari.

“Noong tinanong ko si mommy kung anong nangyari sa kanila ni daddy, wala naman pong sinasabi o ayaw niyang mag-share. Hindi na rin ako nangulit kasi baka masakit pa sa kanya (mommy), kaya tinanong ko kung may third party, wala naman daw more on personal lang nilang dalawa.

“Inisip ko dahil magkalayo kaya ganoon kasi mahirap din po ang long distance. Wala pong ibang family si dad.”

Baka simpleng tampuhan lang, sabi namin, ”hindi po, kasi kung tampuhan lang, sana (naayos),” kaswal nitong sagot.

Dagdag pa, ”hindi naman po kasi sila kasal, hindi sila kasal na may papers dahil at that time, si daddy may hinihintay na petition, so once na nagpakasal sila, parang ‘yung 12 years, magiging another 12 years po ulit. Eh, that time, two years na lang ang hihintayin ni daddy kaya mas pinili na lang nilang huwag magpakasal.”

Kaya ang ginagamit ni Nash na apelyido sa legal papers ay ”ginagamit ko pong apelyido ay Victoriano, kay mommy pero ‘yung kapatid ko since may bagong family code, ang ginagamit po niya apelyido ni daddy which is Aguas. Dalawa lang po kaming magkapatid, 7 years old po siya, babae po.”

At ang batang aktor na rin ang nagsabing, ”sabi ko po kasi sa kanya (daddy) noong huli kaming nag-usap kahit huwag na kasi po ang hirap din sa States, mayroon din siyang obligasyon doon, ‘yung lolo ko po, tatay ng daddy ko namatay na, so siya (daddy) na ang bumubuhay ng nanay niya (lola) at mga kapatid niya (daddy), so sabi ko sa kanya, ‘dad ako na po bahala ang sa kanila (mommy at kapatid).

“Noong una ayaw niya (daddy) pumayag kasi ‘yung pride niya bilang father. Nasabi ko na rin sa kanya na matanda na siya kaya ‘wag na.”

Pero sa palagay namin ay baka mabuo muli ang pamilya nina Nash dahil magkikita-kita sila ngayong Pasko.

“This Christmas po kung mabibigyan ako ng chance dadalawin namin si daddy. Kasi rati po hindi kami okay ng dad ko, nagdamdam talaga ako noong naghiwalay sila, pero ngayon okay na,” saad ng batang aktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved