Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Nationwide protest bukas hinikayat ni Tatay Digong para Martial Law ay gunitain
Nationwide protest bukas hinikayat ni Tatay Digong  para Martial Law ay gunitain

Nationwide protest bukas hinikayat ni Tatay Digong para Martial Law ay gunitain

BUKAS, gugunitain ng sambayanan ang Martial Law — ika-45 taon sabi sa kasaysayan.

Hindi natin puwedeng malimutan ang petsang ito dahil, birthday ito ng erpat natin.

(Happy birthday Pa, saan ka man naroon, sana’y masaya na kayong magkasama nina Mama at ni bro Jimmy with our little angel Jelyn Grace. Please watch over us and save us from bad intensions and negative elements).

Back to martial law commemoration, hinikayat nga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang publiko na maglunsad ng malawakang protesta.

Kakaiba ka talaga, Tatay Digs, ikaw pa ngayon ang naghihikayat na magprotesta ang sambayanan, pati na raw mismo ang mga nasa gob-yerno puwedeng magprotesta.

Sa ganang atin, experimental ang karanasang ito.

Dito rin natin masusubok kung gaano katatag ang gobyernong Duterte at kung gaano naman kahanda ang mga disgusto at diskontento sa administrasyon.

Kaya medyo, nakakakaba o nakae-excite ang experimentong ito ng Pangulo.

Mahigpit po nating babantayan ang mga kaganapan bukas.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap



COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved