Friday , March 29 2024

JLC at Ellen ‘di mapaghiwalay, wholesome therapy, ibinando

TULOY ang ligaya nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna kaya inaabangan na ngayon kung ano ang pasabog nila sa darating na Star Magic Ball.

Payagan kaya sila na magkasama o dumalo kaya ang dalawa sa September 30?

May mga excited na makitang magka-date ang dalawa. May mga bitter din at against na netizens.

Pero patuloy na magkasama ang dalawang Home Sweetie Home stars at hindi mapaghiwalay.

May post nga si Ellen na video nila ni JLC na nagpi-paint. Ang caption, “Therapy @ekomsi channeling Juan Antonio.”

Very wholesome ang therapy na ‘yan, ‘no?!

Sam, nagulat
kay Charice

KA-BATCH ni Sam Concepcion si Charice Pempengco. Magkalaban sila sa Little Big Star Season 1 na brightest star si Sam at 3rd honor si Charice.

Nagulat ba si Sam na Jake Zyrus na ngayon si Charice?

“Siyempre, it came as a surprise to everyone and to myself included but pleasantly surprised but that’s what he wants to take, his career and his personal life and his music and he’s working very well then,” sambit ni Sam nang pumirma siya ng kontrata sa Viva Artists Agency katuwang ang Stages ni Carlo Orosa.

“Pero choice n’ya ‘yun, eh, ‘yun ang gusto niya, so why not by all means,” dagdag pa niya.

Pak!

Carla, binati
si Geoff
ngayong magiging
isang ama na

KINUNAN ng reaksiyon si Carla Abellana dahil magiging ama na ang kanyang ex-boyfriend na si Geoff Eigenmann.

Nabuntis ni Geoff ang singer na si Maya na kapatid niya sa PPL Entertainment Inc..

Nag-congrats si Carla. Nasa tamang edad na rin naman si Geoff at mukhang ready na ito na magka-baby. Naniniwala rin siya na kaloob ng Panginoon ang blessings na ‘yan.

Si Carla naman ay masaya ngayon sa piling ng kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez.

Tsuk!

Birthday surprise
ni Diño
kay Aiza, nasira

NANOOD na lang ng Games of Thrones ang National Youth Commission Chairman Aiza Seguerra sa kanyang kaarawan noong Linggo. Gusto niya ay kasama ang kanyang asawa na si Film Development Council of the Philippines Chairman Liza Dino-Seguerra dahil ngayon lang ang oras na nasa bahay sila.

Ito ang napili nilang gawin kaysa mag-special lunch sa isang Japanese Restaurant.

Tinapos talaga namin ang mahigit 30 minutes na discussion nila sa Facebook live ni Chairman Liza.

Nag-uusap at medyo nagtatalo silang dalawa dahil wish ni Aiza ay mag-stay sa kuwarto, matulog then  manood ng shows  na kasama lang si Liza.

Wala akong ibang gusto kundi ito. Happy birthday to me!!! PS Pero hindi ako tatanggi sa Lego.

A post shared by Aiza Diño Seguerra (@iceseguerra) on

“Ganyan talaga ang pagmamahal, mayroong sacrifice,” deklara ni Liza na tumatawa.

Ang gusto ni Liza ay tumayo talaga si Aiza, lumabas sila pero kinontra ni Aiza dahil mainit.

Sinabi pa ni Liza na isang araw lang sa isang taon ang birthday niya tapos itutulog lang.

Tinatanong din ni Aiza kung anong plano ni Liza at kung may surprise ba pero todo deny ang huli na wala siyang plano.

“As if naman, hindi niya alam,” himutok pa ni Liza.

Me: Birthday mo na baby ko!Happy birthdaaaaay! Ice: Thank you love! Parang ayoko magbirthday. Me: Bakit? Ice: kasi pag magbirthday ako, bukas tapos na. One year kong hinintay, tapos Isang araw lang i-cecelebrate!😣 Me: aaaaaawwww!!! Haaaaay.Yan Ang baby kong tumatanda pero pabebe and pabebe. I really love this forever child in him. Para syang si Peter pan. Hindi tumatanda. Kaya tuloy, napagkakamalan akong nanay nya! Hahaha. Happy birthday lablab ko.Akalain mo, 4 years na tayong nagcecelebrate together. At dahil US Style tayo, di mo kailangang magtago dahil ako ang manlilibre sayo. My one wish on your special day is to grow old with you and celebrate all your birthdays with you. I promise to make your every birthday special. Mahal na mahal kita!#misteratmisiszaza #iceicebday

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on

Aminado si Chairman Dino na parang insensitive siya dahil ang gusto lang pala ni Aiza ay matulog. Dahil mababaw ang luha niya ay naiyak pa siya.

Lahad pa ni Liza, ‘wag maging insensitive sa birthday ng asawa at mag-plan ng special lunch.

Nagkaroon pa ng isyu na kung patatayuin si Aiza at mag-lunch sila ay parang pinilit lang. Ayaw niya nang ganoong feelings.

Nag-uusap pa sila kung mag-oorder na lang si Liza ng Japanese lunch. Pero sinabi ni Aiza na kung ‘yung inisip niyang lugar siya dadalhin ay tatayo siya.

When Liza and I got together the first time nung 1999, wala akong matandaan na nag picture kami. Hindi ko alam kung bakit pero malaking dahilan siguro dun ay dahil hindi kami “out”. Lahat ng memories ko sa kanya, nasa utak ko lang. Minsan nagdadalawang isip pa ako kung nangyari talaga dahil nga walang pruweba. Habang tumitingin ako sa mga photo album kanina, hindi ako makapaniwala nung nakakita ako ng mga litrato niya at laking gulat ko na mayroon kaming picture. Nag-iisang litrato! Nakuhaan sa backstage pagkatapos nila mag perform sa CCP ng Portrait Of An Artist As A Filipino. So here it is, the only picture of Liza and I circa 2002 (sa nipis pa lang ng kilay niya, alam mong may kalumaan na). Mula noon hanggang ngayon, wala pa rin nag bago sa ngiti ko. Dahil noon pa lang patay na patay na ako sa iyo.😍

A post shared by Aiza Diño Seguerra (@iceseguerra) on


Feeling nabuwiset, nainis, na-badtrip si Liza dahil nasira na ang surprise niyang Japanese lunch na medyo malayo sa lugar nila. Hindi ito sa Quezon City.

Sey pa ni Aiza, kung hindi niya birthday ay baka inaway siya ng asawa niya.

“Kung may surprise kayo, di ba hindi niyo sasabihin,?” sambit pa ni Liza.

Pero ang natutuhan ni Chairman Dino ay tanungin muna ang asawa kung ano ang plano at gusto sa kanyang special day .Kung ano ang magpapasaya rito.

Ang ending, napagkasunduan na lang nilang mag-dinner na mag-asawa sa Japanese restaurant sa Sept 19. Sinunod na lang ni Liza kung ano ang desisyon ni Aiza dahil ito naman ang may kaarawan.
Pak!

TALBOG
ni Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *