Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Senador o presidente pangarap ni Atio
Senador o presidente pangarap ni Atio

Senador o presidente pangarap ni Atio

INSPIRADO sa kanyang nunong si Dr. Jose Rizal, hindi itinatago ng batang si Atio na gusto niyang maging senador o presidente ng bansa.

Ang pamilya ng ama ni Atio ay sinabing direktang inapo (descendant) ni Soledad Alonzo Rizal, kapatid ng pambansang bayani, na napangasawa ni Pantaleon Quintero.

READ MORE:  Opisyal pa sisibakin ni Duterte

Si Amelia Rizal Quintero de Marval, anak ni Soledad Alonso Rizal, kapatid ng pambansang bayani. Kasama ng tiyuhin ni Atio na si Dr. Gerardo M. Castillo si Pangulong Duterte noong Rizal Day, 30 Disyembre 2016

Anak nina Soledad at Pantaleon ang lola ng ama ni Atio na si Amelia Rizal Quintero na napangasawa ang anak ni Gen. Miguel Malvar na si Bernabe Malvar.

READ MORE:  Pagpasok sa PNP  ng K-12 grads kinontra ng CSC

Sina Amelia at Bernabe Malvar ay magulang ng ina ng ama ni Atio, na si Tessy Malvar Castillo, habang ang kapatid ng kanyang ama na si Dr. Gerardo M. Castillo ay laging kumakatawan sa kanilang pamilya tuwing ipinagdiriwang ang araw ni Dr. Jose Rizal sa pag-aalay ng bulaklak sa Rizal Park. (GMG)

COMMENTS

About G. M. Galuno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved