Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sue, nababaliw sa pag-ibig; Joao, ipinakilala na sa pamilya
Sue, nababaliw sa pag-ibig; Joao, ipinakilala na sa pamilya

Sue, nababaliw sa pag-ibig; Joao, ipinakilala na sa pamilya

SA nakaraang presscon ng The Debutantes ay inamin ni Sue Ramirez na nakararamdam siya ng kakaiba sa nilipatan niyang condo.

Natanong kasi ang buong cast ng pelikula na sina Sue, Michelle Vito, Channel Morales, Jane de Leon, at Miles Ocampo kung may experience na silang kababalaghan na related sa kuwento ng The Debutantes.

Ayon kay Sue, ”ako po maraming experiences lalo na po noong bagong lipat ako sa condo, maaga po kaming umalis ng kasama (PA) ko pinatay po namin ‘yung mga ilaw pagbalik po namin, bukas lahat ng ilaw sa banyo, sa kuwarto. 

“And ang dami ko pong experiences din ng sleep paralysis, nagkaroon po ng time na one whole month, every night po eventually nawala rin. Sa condo, wala naman pong masamang nagawa sa akin, so okay lang, marami lang po talaga akong experiences.”

Hindi naman matatakutin ang aktres pero dahil sa naramdaman niya ay nag-iingat at parati siyang nananalangin.

At dahil Debutantes ang titulo ng pelikula ay nasubukan ba ni Sue na magkaroon ng debut party?

“Ako po kasi, I lost my dad at 17 (years old), isa rin po iyon sa mga rason kung bakit hindi ako nag-debut kasi ang pangarap ko lang naman ay maisayaw ako ng daddy ko sa aking debut, pero hindi na po siya umabot kaya hindi ko na po itinuloy (party),” pagtatapat ng dalaga.

Nabanggit ni direk Prime Cruz na sa limang babaeng cast ay si Sue ang baliw sa grupo kaya na-curious kami kung bakit nasabi ito sa dalaga.

“Kasi po lahat tahimik sa set, ako lang po ‘yung daldal ng daldal at kung ano-ano sinabi ko po, lahat kinakausap ko kaya siguro ganoon ang tingin sa akin.”

Mukha naman dahil pati ang nakangangang pagtulog at double chin ni Sue ay ipinost niya sa Instagram niya na may 2.6-M followers.

“Oo nga po, kasi natatawa sila sa mga ipinagpopo-post ko po ng mga kabaliwan ko, kaya po sinabihan akong baliw ni direk Prime. Like nag-post po ako ng nakanganga akong matulog, at itong double-chin ko. Hayun, natatawa po lahat sa akin,” natatawang sabi ng aktres.

Tsinek nga namin ang Instagram account ni Sue at oo nga, kung anik-anik ang posts niya pero kaya rin siguro marami siyang followers ay dahil nagagandahan sa mga suot niyang damit na fashionista ang dating ng dalaga.

Anyway, natanong si Sue pagkatapos ng Q and A na nababaliw din siya sa pag-ibig.

“Huh! Grabe naman. Hindi naman po nabaliw sa pag-ibig, ang OA naman niyong nabaliw sa pag-ibig,” mabilis na sagot ng dalaga.

Sabay bulong ng, ”in love lang? Huwag muna, ang daming project, eh.”

So may lovelife nga si Sue.  Bawal ba itong pag-usapan?

“Hindi nman po sa hindi puwedeng pag-usapan, hindi lang po ‘yun ang concern ko ngayon,” maagap nitong sagot.

At ang lucky guy ay si Joao Constancia na miyembro ng Boyband PH kaya siya nababaliw.

“We’re seeing each other, lumalabas po kami ni Joao, pero no pressure, kalma lang, alam naman namin ‘yung priorities namin pareho,”mabilis na pag-amin ng dalaga.

Tinanong namin kung exclusively dating sila ni Joao, ”no pressure po. Opo, kaming dalawa lang lumalabas po kami, pero walang (relasyon).

Hirit namin na ‘wala lang label?’

“O sige po, kayo na lang (maglagay) ng label,” tumawang sagot ng dalaga.

Matagal na ba kayong lumalabas ni Joao, tanong ulit namin, ”hindi po.”

Nanliligaw ba ang binata sa kanya.

“Tanungin niyo po siya, ‘yun po ang dapat na itanong sa kanya,” nakangiting sabi ni Sue.

‘If ever ba na manligaw si Joao, sasagutin mo,’ tanong ulit namin? ”Hindi ko po masabi, basta sa ngayon, masaya kaming lumalabas.”

Ano ang nagustuhan mo kay Joao? ”Mabait  po siya, sobra, very caring very purisigido siya sa mga ginagawa niya.”

Hirit namin kung kinakantahan siya ni Joao.

“Ha ha hindi po siya kagalingang kumanta, alam niya ‘yan, alam niya po ‘yan, hindi siya magagalit sa akin,” tumatawang sabi ng dalaga.

Hirit kaagad namin, ‘eh, bakit siya napili sa Boyband PH? “Kasi nga po gusto niya talaga ‘yung ginagawa niya,”saad ng lady love ni Joao.

Nakilala na ni Sue ang pamilya ni Joao na umuwi ng Pilipinas mula Macau, China, ”Umuwi po sila rito, okey naman po. Mabait ‘yung family niya, okey naman ‘yung family ko with him. ‘Yung pakikitungo ko na tao lang, tinanggap din naman po bilang tao.”

At ang pinakanagustuhan ni Sue kay Joao, ”siya lang po ‘yung  naglakas ng loob na humarap sa family ko.”

At dahil nagkakilala na ang kani-kanilang mga pamilya ay iisa lang ang ibig sabihin, pormal na sila na.

“Wala pa po kami sa level na wala, we’re just enjoying each other’s company when we go out. Ito lang po ang masasabi ko sa ngayon, wala po kaming pressure-an. Wala po kaming hinihingi sa isa’t isa. ‘Yung give ang take namin, hindi ito forced. Sa ngayon, happy lang,” pahayag ng dalaga.

Pero sa Star Magic Hall ay hindi si Joao ang date ni Sue.

“I’m walking the red carpet alone wearing my very Francis Libiran gown, and very excited for everyone to see,” masayang sabi ng dalaga.

Ay bakit wala siyang date? ”Wala lang, hindi po necessary maging magka-date sa Ball.”

Pero kung papipiliin siya sino ang gusto niyang maka-date? ”Siyempre po si Joao kasi lumalabas naman na kami, pero ‘di naman siya big deal, maybe we will be seeing each other inside, we will be talking. It’s a place and event to socialize with everybody, not just go out with just one person,”  paliwanag ng dalaga.

Samantala, abot-abot ang pasalamat ni Sue kina Mother Lily Monteverde at  Ms Roselle Monteverde-Teo dahil binigyan siya ng pelikulangThe Debutantes na mapapanood na sa Oktubre 4 mula sa direksiyon ni Cruz.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved