Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Multi-awarded actress, saan nga ba nagtatago?
Multi-awarded actress, saan nga ba nagtatago?

Multi-awarded actress, saan nga ba nagtatago?

PINALULUTANG mismo ng isang multi-awarded actress na nagbabakasyon siya ngayon sa malayong bansa dahil nangangamba umano siya sa kanyang buhay.

Kung matatandaan, inireklamo niya ang isang lalaking nambastos umano sa kanya sa isang kilalang bar. Umani naman ng atensiyon at malasakit ang hinaing ng aktres, pero tila wala ring kinahinatnan ang kanyang kaso.

Napag-alaman ng aming source na hindi raw basta-basta ang lalaking sangkot sa umano’y pambabastos sa kanya. Involved daw kasi ito sa isang bagay na kasalukuyang pinupuksa ng lipunan sa ilalim ng kasalukuyang panunungkulan.

READ MORE:  Allen Dizon, back to back Best Actor sa Silk Road Film Festival!
READ MORE:  Rated SPG, ngayong Sabado na sa Zirkoh Bar

Dahil sa takot na resbakan umano ng grupo ng lalaki’y minabuti ng mahusay na aktres na magpalamig muna. Pero duda ng marami, hindi raw sa malayong bansa ito nagtatago para makaiwas sa napipintong kapahamakan kundi sa kalapit lang na lugar sa Asya.

READ MORE:  Radha, ayaw ibuko kung sino ang nagbibigay ‘joy’ kay Jomari

Da who ang nag-iingat lang na aktres na biglang nanahimik sa kasong ipinaglalaban niya? Itago na lang natin siya sa alyas na Rosanna Caparas. 

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top