Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Noven nakahinga na, kasong isinampa, iniurong na
Noven nakahinga na, kasong isinampa, iniurong na

Noven nakahinga na, kasong isinampa, iniurong na

MAKAHIHINGA na nang maluwag ang Tawag ng Tanghalan champion na si Noven Belleza makaraang naghain na ng affidavit of desistance ang umano’y biktima niya ng sexual assault sa Cebu.

Ang nasabing dokumentong legal ay ang pag-uurong o pagwi-withdraw ng isinampang reklamo.

Ayon sa salaysay ng umano’y minolestiya ni Noven, nais niyang magkaroon ng katahimikan ang kanyang pag-iisip na nabulabog nang sampahan niya ito ng kaso. Oo nga naman, kung susukatin ang mga reaksiyon ng publiko, ‘di hamak na mas marami pa ang pumanig kay Noven kaysa umano’y biktima. Marami kasi ang diskompiyado sa butas-butas na bersiyon ng alleged victim.

Hindi ito maliwanag na halimbawang ang babaeng ‘yon na nga ang naagrabyado ay siya pa itong biktima ng public outrage. Hindi na kasi kailangan pang pagdebatehan ang malinaw namang motibo ng hitad kaya walang pinakamagandang hakbang kundi ang iurong na lang niya ang kaso which she did.

Malaking aral din ang mapupulot ni Noven sa sitwasyong ito. Sana nga’y hindi na siya masyadong generous sa pagbibigay ng tiwala sa mga tao—most specially women—na hindi naman niya kilala.

Ngayong kahit paano’y may pangalan na si Noven with a bright singing career going for him, maging mas maingat sana siya.

Hindi lahat ng nakakasalubong niyang nakangiti sa kanya have the best and cleanest of intentions sa kanya, lalo pa ngayong iba na kahit paano ang estado niya sa buhay.

Isipin ni Noven na napakalaki ng kaibahan ng contest na Tawag ng Tanghalan na sinalihan niya at “tawag ng laman” na ikinabulilyaso niya.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved