Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga nagrebeldeng trabahador ng Psalmstre, ‘di ipinatanggal
Mga nagrebeldeng trabahador ng Psalmstre, ‘di ipinatanggal

Mga nagrebeldeng trabahador ng Psalmstre, ‘di ipinatanggal

NANAIG ang puso at awa ng CEO/President ng Psalmstre Inc., makers ng New Placenta, Olive C, New Placenta for Men na si Jaime Acosta sa 10 trabahador na nagrebelde na humantong sa pagpapa-Tulfo sa kanya.

Inireklamo ng mga trabahador ang delayed na pagpapasahod at benepisyo na mariin namang pinabulaanan ni Acosta.

READ MORE:  Catriona Gray, Mariel de Leon, nagbati na!

Aniya, advance ang pasahod niya sa mga trabahador at naibibigay din ang kani-kanilang benepisyo.Pinatunayan niya ito nang pumunta ng opisina/factory ng Psalmstre Inc. ang tauhan ni Tulfo at pinag-usapan ang nasabing problema. Imbes na pagtatanggalin ni Mr. Acosta ang 10, muli niya itong tinanggap sa kompanya habang ang dalawa rito ay personal na nag- resign.

READ MORE:  Karla, apektado sa mga tira kay Daniel

Ayon kay Mr. Acosta, “Hindi ko na sila tinanggal kasi nakakaawa naman na mawalan sila ng trabaho. Hindi naman ganoon kadali ang maghanap ng trabaho maliban na lang kung sila na mismo ang personal na magre-resign.”

READ MORE:  Juday, Happy at proud kay Sharon

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved