Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kaso vs Noynoy pinagtibay ng Ombudsman (Sa Mamasapano massacre)

Kaso vs Noynoy pinagtibay ng Ombudsman (Sa Mamasapano massacre)

PINAGTIBAY ng Office of the Ombudsman ang kasong graft at usurpation of authority laban kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa kanyang naging bahagi sa anti-terrorism operation na nagresulta sa pagkamatay ng 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

READ MORE:  Basura ng Canada haharangin ng Tarlac LGU

“In sum, the finding of probable cause against President Aquino in relation to his participation in the violation of Article 177 of the Revised Penal Code (Usurpation of Official Functions) and Section 3(a) of [Republic Act] No. 3019 stands,” ayon consolidated order. Noong Hulyo, iniutos ng Ombudsman ang paghahain ng criminal complaints laban kina Aquino, dating PNP chief, Alan Purisima, at dating SAF Director Getulio Napeñas.

READ MORE:  Asawa, anak 1 pa ini-hostage ng Chinese national (Hinataw ng dos por dos, binuhusan ng asido at tinutukan ng baril)

Magugunitang halos 400 SAF commandos ang nagtungo sa Mamasapano, Maguindanao noong hatinggabi ng 24 Enero 2015 upang tugisin ang teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

Sa operasyon, tinaguriang Oplan Exodus, ay napatay si Marwan ngunit nagresulta rin sa enkuwentro sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

READ MORE:  Chinese tiklo sa P15-M shabu (Sa Maynila)

Napatay ng mga rebelde ang 44 miyembro ng PNP’s elite team habang palabas ng erya.

Magugunitang unang inabsuwelto ng Ombudsman ang homicide raps kay Aquino hinggil sa insidente. Ngunit naghain ng motion for reconsideration sa kaso ang grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Comments are closed.

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved