Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sagot ni Angel sa KathNiel fans: Wala akong seryeng nag-flop
Sagot ni Angel sa KathNiel fans: Wala akong seryeng nag-flop

Sagot ni Angel sa KathNiel fans: Wala akong seryeng nag-flop

TIGILAN si Angel Locsin dahil wala siyang kasalanan kung nadagdag siya sa La Luna Sangre. Lubay-lubayan siya ng mga KathNiel fan na hindi kagandahan ang asal.

Desisyon ‘yan ng management kaya wala kayong karapatang bastusin ang isang artista.

Hindi niyo man lang binigyan ng kahihiyan ang mga idolo niyo na cyber bullying advocates. Heto’t nangunguna kayo sa pagiging bashers at bully.

READ MORE:  Sarah, puwede ng mag-asawa

Kung nakaagaw man ng pansin si Angel sa pagbabalik niya sa serye, ‘wag insekyurada ang KathNiel fans na magagaspang ang ugali. May sarili ring highlights sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

READ MORE:  Actor, sakal na sakal na sa aktres na sobrang selosa

May mga luka-luka rin na nag-bash kay Angel na puro flop ang serye nito.

Buong ningning namang pumatol si Angel na wala pa siyang seryeng flop.

May napatunayan na si Angel at naging Primetime Queen din naman kaya bigyan naman natin ng paggalang.

READ MORE:  Pauline Mendoza, iniyakan ang pagdamay ng basher sa inang may cancer

At kung walang Lobo na nagsimula sa seryeng ‘yan, wala ring La Luna Sangre ngayon.

Kaya tantanan niyo si Angel, ‘no?!

TALBOG
ni Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved