Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Chinese nat’l nahulog mula 9/F ng condo, dedo
Chinese nat’l nahulog mula 9/F ng condo, dedo

Chinese nat’l nahulog mula 9/F ng condo, dedo

BINAWIAN ng buhay ang isang Chinese national makaraan mahulog mula sa ika-9 palapag ng isang condominium sa Parañaque City, nitong Linggo.

Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Ke Yue Jin, nasa hustong gulang, dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 6:10 am sa Solemare Park Suites sa Lot 5, Bradco Avenue, Asean Business Park, Brgy. Tambo, ng nabanggit na lungsod.

READ MORE:  5 priority bills dapat aksyonan
READ MORE:  6 paslit nasagip sa gay bar

Napag-alaman, mula sa ika-9 palapag ay bumagsak ang biktima sa ikatlong palapag ng naturang condominium. Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung talagang nahulog o tumalon ang naturang dayuhan.
(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved