Categories: Opinion

Biktima

Share

NARAGDAGAN muli ang talaan ng mga kabataang nasasawi bunga ng karahasan matapos matagpuan ang bangkay ng 14-anyos na binatilyo na si Reynaldo de Guzman alyas “Kulot” sa isang punerarya sa Gapan, Nueva Ecija noong isang linggo.

Nakita raw ang katawan ni De Guzman sa isang creek ng mga residente ng lugar. Umabot umano sa 30 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at binalutan pa ng packing tape sa mukha. Ganito ang karaniwang nakikita sa mga biktima ng “extrajudicial killings.”

Si De Guzman ang kasama ng 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz, ang dating estudyante ng University of the Philippines (UP) Diliman, nang mawala sila noong 17 Agosto matapos umalis sa kanilang tahanan sa Cainta, Rizal na ang paalam ay bibili lang ng mapapapak. Si Arnaiz, anak ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Middle East, ay napatay ng Caloocan City Police matapos silang rumesponde sa isang panghoholdap sa taxi noong Agosto 18. Nanlaban at nakipagbarilan daw kasi sa mga dumating na pulis kaya nasawi.

Pero hindi ba gasgas na gasgas na ang katwirang ito ng kapulisan kapag may napapatay sila kaya marami ang hindi naniniwala?
Lumabas sa isinagawang pagsusuri ng Public Attoney’s Office (PAO) na may palatandaang si Arnaiz ay na-torture at may posibilidad umanong binaril habang nakaposas.

Nasibak sa puwesto ang dalawang pulis na itinurong nasa likod ng pagkamatay ni Carl. Natagpuan ang kanyang bangkay sa isang punerarya sa Caloocan, 10 araw matapos itong maiulat na nawawala.

Naniniwala ang pamilya Arnaiz na imposibleng mangholdap si Carl dahil mabait itong bata.

Valedictorian daw siya nang magtapos sa elementarya at gradweyt sa Makati Science High School bago mag-aral sa UP.

Lumutang na ang taxi driver na si Tomas Bagcal at kinompirma na hinoldap siya ni Arnaiz. Pero “scripted” daw ang pahayag ng pulis na nagkaroon ng barilan. Matapos i-turn over si Arnaiz sa mga pulis ay panandalian daw siyang nakulong.

Nang ilabas umano si Arnaiz ng mga pulis ay pinasunod si Bagcal sa C3 Road. Doon ay pinalakad daw si Carl bago nakarinig ang driver ng mga putok ng baril. Nagkubli raw si Bagcal sa likod ng poste at nakitang bumaksak si Arnaiz.

Ano ang nangyayari sa ating mga alagad ng batas? Sakali mang sangkot sa holdap o droga ang suspek ay hindi naman sila kailangan paslangin nang walang kalaban-laban.

Palaisipan din kung paano umabot sa Gapan ang bangkay ng kasama ni Arnaiz nang ito ay mawala? May mga naghihinalang konektado ang sinapit nina Arnaiz at De Guzman.

***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

Robert B. Roque, Jr.

Published by
Robert B. Roque, Jr.

Recent Posts

Proyekto ng Manila Water para sa ‘cross-border water sharing’, patuloy na isinasagawa

Nakapaglatag na ang Manila Water ng 300 mm na pipeline sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue sa Quezon City. Nagbigay-daan… Read More

1 hour ago

Manila Water, patuloy ang aksyon para suportahan ang operasyon ng mga DOH hospitals

Patuloy ang Manila water sa pagsasagawa ng mga teknikal na solusyon upang siguraduhing sapat ang water supply na gagamitin ng… Read More

2 hours ago

P2-M shabu kompiskado, 17 katao timbog sa Maynila

TIMBOG ang 17-katao sa serye ng buy bust operation na ikinasa ng MPD Station 10 Drug Enforcement Unit. Unang naaresto… Read More

2 hours ago

Magic 12 senators iprinoklama na

KAHAPON  pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) ang Magic 12 senators  na inihalal ng sambayanan nitong nakaraang 13… Read More

10 hours ago

Resort casino ‘bet’ ng Villars

HINDI pa man naipoproklama, pumutok na nitong nakaraang araw na pabor si Madam Cynthia Villar sa pagpasok ng mga investor… Read More

11 hours ago

Magic 12 senators iprinoklama na

KAHAPON  pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) ang Magic 12 senators  na inihalal ng sambayanan nitong nakaraang 13… Read More

11 hours ago