Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, maging bampira na kaya sa pagbabalik-LLS
Angel, maging bampira na kaya sa pagbabalik-LLS

Angel, maging bampira na kaya sa pagbabalik-LLS

NOONG Thursday ay nakatsikahan namin si Angel Locsin! Muling nagbalik sa seryeng La Luna Sangre ang sikat na aktres bilang si Jacintha Magsaysay. 

Actually napakaraming tanong ang naglabasan sa social media simula ng lumabas ang isang teaser sa pagbabalik ni Angel. 

May nagsabing siya ay kakambal, nanay, tiyahin, anak, at kung ano-ano pa ni Lia!  Kahit kami, hindi rin namin alam ang kahahantungan ng kanyang karakter bilang si Jacintha Magsaysay sa serye. Totoo nga ang sabi ni Henry Quitain na we’re watching a fantaserye kaya lahat ay posible sa show. 

READ MORE:  23rd bday ni Joshua, sa Japan ipagdiriwang ni Kris

Interesting ang pagbabalik-serye ni Angel sa totoo lang. Pero ayon na rin sa kagustuhan ng karamihan, sana ay maging bampira naman siya sa serye para maiba naman dahil noong gumanap siya bilang si Lia ay isa siyang Lobo. 

READ MORE:  Juday, happy sa relasyon ni Sarah kay Matteo

Well, okey na sa amin kung maging bampira siya, manok, itik, kabayo at kung ano-ano pa man basta’t huwag lang maging palaka noh! 

During the presscon ay naging maboka naman si Angel sa pagsasabing huwag na magalit sa kanya ang ilang hindi pabor sa kanyang pagbabalik sa serye. Nakiusap nalang si Angel sa KathNiel na magtulungan na lang para sa lalo pang ikagaganda ng serye dahil hindi naman ito para sa kanya lang kundi para sa lahat na nagmamahal sa La Luna Sangre! Paaak!

READ MORE:  Pagod at hirap ang ipinuhunan namin makaabot lang sa deadline ng MMFF — Jose

REALITY BITES
ni Dominic Rea

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved