Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Male personality, mahilig magkuwenta pagdating sa pera
Male personality, mahilig magkuwenta pagdating sa pera

Male personality, mahilig magkuwenta pagdating sa pera

MAY pagkamakuwenta pala ang male personality na ito sa kanyang actress-wife pagdating sa pera.

Tsika ng aming source, ”Naku, huwag na huwag mong hihiramin ang sasakyan nila, tiyak na isang malaking isyu ‘yon doon sa lalaking personalidad na ‘yon! Tulad na lang niyong minsang hiniram ng bayaw niya (kapatid ng kanyang dyowang aktres). Aba, nang isauli na kasi niyong bayaw ‘yung hiniram na karu, eh, may sira ‘yung tinutuntungan pagsakay. Bale ba, bukod sa mahal pala ang pagpapagawa roon sa na-damage, eh, ioorder pa ‘yung piyesa sa Germany yata ‘yon. Hulaan mo kung magkano…P40,000 pala ang halaga ng piyesang ‘yon! Natural, dahil wa naman work at career ang syupatid ng dyowa niyang aktres, eh, silang mag-asawa ang gagastos! Hayun, inis na inis ang male personality sa bayaw niya dahil nagastusan pa silang magdyowa!”

READ MORE:  Tagumpay ni Ser Chief, ‘di na mahahadlangan
READ MORE:  Tindi kung magmalinis si bubonika

Da who ang lalaking personalidad na ito na dyowa ng isang aktres, na ang syupatembang naman ay nanghiram ng sasakyan na nang ibalik ay may damage? Itago na lang natin ang mag-asawa sa alyas na Bryan Dela Cruz at Sheryl Mirasol. 
(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved