Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Salvage sa 3 bagets destab vs admin (Duterte kombinsido)
Salvage sa 3 bagets  destab vs admin (Duterte kombinsido)

Salvage sa 3 bagets destab vs admin (Duterte kombinsido)

KOMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na may grupong sumasabotahe sa kanyang drug war kaya sunod-sunod ang pagpatay sa mga kabataang may mabuting track record sa pamilya, paaralan at pamayanan, kasama ang kanyang kaanak na si Carl Angelo Arnaiz.

Sa kanyang talum-pati sa ika-17 anibersaryo ng Digos City, Davao del Sur kahapon, sinabi ng Pangulo na sinasabotahe ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) kontra illegal drugs, indikasyon umano ang tila sinasadyang sunod-sunod na pagpatay sa tatlong kabataan nitong nakalipas na mga linggo.

READ MORE:  Unsconstitutional version ng BBL ‘di lulusot sa Senado

“Silipin mong (PNP Chief Ronald dela Rosa) mabuti kasi sinasabotahe kayo. Sinasadya talaga ‘yan,” anang Pangulo. “At eto masasabi ko sa inyo – ang isa riyan sa mga pinatay relative ko. Carl Angelo Arnaiz. Re-lative ko ‘yan. Papayag ako na papatayin ng police? Ako? Papayag ako na papatayin ng police ang kamag-anak ko?” mariing tanong ng Pangulo.

READ MORE:  Higit 100 estudyante naospital sa pampurga

Si Carl, ang 19-anyos na dating UP student mula sa Cainta, Rizal na pinaslang ng mga pulis sa Caloocan City noong 18 Agosto at natagpuan ang bangkay sa morgue sa Caloocan City.

Nabatid na ang ama ni Carl ay tubong Maasin, Southern Leyte gaya ni Pangulong Duterte na isinilang sa naturang lugar.
May kaugnayan sa pamilya Roa ng ina ng Presidente na si Soledad Roa Duterte, ang tatay ni Carl.

READ MORE:  Facebook user binalaan vs kidnappers

Nauna nang iniulat ng HATAW kamakalawa na matitinong kabataan, walang masamang record sa paaralan at pamayanan at masunuring anak, ang target ng ‘uniformed-vigilantes’ bilang bahagi ng pla-nong destabilisasyon laban kay Pangulong Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved