Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Makabayan bloc kakalas sa super majority
Makabayan bloc kakalas sa super majority

Makabayan bloc kakalas sa super majority

MAGDEDESIYON na ang Makabayan Bloc sa susunod na linggo kung mananatili pa o kakalas na sila sa Super Majority coalition.

Ito ang inihayag ni Bayan Muna Rep. Isagani Zarate makaraan ibasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni Secretary Rafael Mariano ng Department of Agrarian Reform (DAR).

READ MORE:  P2-M patong sa ulo ng killer/s ni Davantes

“Sa pagtanggal kay Ka Paeng sa DAR ay tuwang-tuwa ang mga panginoong maylupa at mga landgrabbers, samantala malungkot ang mga magsasaka,” banat ni Zarate.
Paliwanag ni Zarate, sa pagkakatanggal kina Mariano at dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo ay wala nang maaasahan pa sa administrasyong Duterte dahil babagal na ang serbisyo sa DSWD at hindi na maipamamahagi ang lupa sa mga magsasaka.

READ MORE:  Lifestyle check sa pamilya Binay iginiit

Ilang minuto matapos maibasura ang kompirmasyon ni Mariano ay agad nagbigay ng reaksiyon si Anakpawis Rep. Ariel Casilao sa pagsasabing parang inaasahan na niya ang magiging desisyon ng CA.

READ MORE:  Gen. Bato nag-sorry sa Quiapo blasts

Nangangamba si Casilao na maitaboy palayo ang interes ng mga magsasaka katulad nang nagdaang administrasyong Aquino na pumabor lamang sa mga landlord, mayayaman at dayuhan.

(JETHRO SINOCRUZ)

COMMENTS

About Jethro Sinocruz

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved