Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Love You to the Stars and Back naka-P60-M na
Love You to the Stars and Back naka-P60-M na

Love You to the Stars and Back naka-P60-M na

PAWANG mga positibo ang feedback ng pelikulang Love You to the Stars and Back, na pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto na idinirehe Antoinette Jadaone mula Star Cinema kaya hindi nakapagtataka na marami ang tumangkilik dito.

Ayon sa Star Cinema, blockbuster ang pelikula na kumita agad ng P60-M sa unang linggo ng pagpapalabas nito.

Bale ito ang ikalawang pagkakataon na muling nagsama sina Joshua at Julia na unang nagkatrabaho sa pelikulang Vince and Kath and James na ipinalabas noong Metro Manila Film Festival 2016. Si Jadaone naman ay nakilala sa paghubog ng ‘hugot’genre tulad sa pelikulang That Thing Called Tadha. Ang istorya ng Love You To The Stars And Back ay nakasentro sa isang kakaiba at socially awkward girl na si Mika (Barretto). Nagdesisyon si Mika na mag-roadtrip para makahanap ng mga alien. Sa kanyang biyahe, aksidenteng nakilala ang isang simple at positibong binate na si Caloy (Garcia) na bibigyan niya ng free ride hanggang marating ang destinasyon. Makikilala nina Mika at Caloy ang isa’t isa sa kanilang nakaaaliw na road trip na punumpuno ng adventures at misadventures. Sa prosesong ito, hindi inaasahan na tuturuan nila ang isa’t isa ng mahalagang leksiyon tungkol sa pag-ibig at buhay—isang bagay na natutuhan ng iba sa napakatagal na panahon.

READ MORE:  Garie, wish makatrabaho ang amang si Gabby

Palabas pa rin hanggang ngayon ang pelikula at mapapanood din sa ilang sinehan sa US at Canada sa Biyernes gayundin sa Australia at New Zealand sa September 14.

JULIAN, SANGREKWA
PALA ANG FANS

ISA kami sa nakapanood ng advance screening bagong handog na pelikula ng Viva Films at N2 Productions, ang FanGirl/FanBoy na palabas na ngayon sa mga sinehan at pinagbibidahan nina Julian Trono at Ella Cruz.

Nakatutuwa ang pelikula na kung gusto mong mag-relax ay tamang-tamang panoorin.

Nakatutuwang naipakita pa rin ni Julian ang galing sa pag-arte at may chemistry silang dalawa ni Ella.

Malinaw ang pagkakalahad ng istorya at pagkakadirehe ni Barry Gonzalez na ng pelikula ay ukol sa isang one-hit boy wonder na sobra ang bilib sa sarili. Hibang na tagahanga rin siya ng isang Korean actress na pumapapel sa karakter ni Sandy/Android 5000. Si Ella naman ay si Aimee, isang dubber na tumulong/nagpagamit kay Ollie para matupad ang pangarap. Kaso, ang kapalit ng pagsikat ni Ollie ay ang pagka-heartbroken ni Aimee dahil sa ilang komplikasyon na dulot ng unti-unting pagsikat ni Ollie.

READ MORE:  Marion Aunor, aktibo bilang singer/composer (Ginawan ng kanta si Kathryn Bernardo)

Sa aming panonood, nagugulat kami na sa tuwing lalabas ang karakter ni Julian ay ang paghihiyawan ng fans nito. Marami na pala itong fans na nagtyagang pumila para mapanood agad ang pelikula ng kanilang iniidolo.

Lalo pang nagwala ang mga ito nang may eksenang maghahalikan sina Julian at Ella. Patunay na tanggap ang tambalan ng dalawa at marami na ang kanilang followers.

Sa tinuran ng JulinElla noon sa kanilang mga interbyu na sanaý mag-enjoy ang kanilang fans sa pelikula, nakamit naman nila iyon dahil may mga eksenang talagang pumapailanlang ang tawanan at hagikgikan.

Kaya kung gusto ninyo ng light at very refreshing movie, watch na kayo ng FanGirl/FanBoy na teen-oriented romantic comedy ng taon.

LOVE GOALS:
A LOVE TO LAST
CONCERT
SA SEPT. 8 NA

HABANG ipinaglalaban ni Andeng (Bea Alonzo) ang kanyang pagmamahal at pag-ibig kay Anton (Ian Veneracion), patuloy naman sa paggawa ng paraan si Grace (Iza Calzado) para mabaling muli ang pagmamahal sa kanya ng dating asawa.

READ MORE:  Yassi Pressman, umangat ang career dahil sa Viva

Susubukin ang tambalang minahal ng bayan sa pagdagsa ng matitinding pagsubok sa kanilang relasyon at pamilya na may isang buwan na lamang mapapanood, ang A Love To Last.

Sa kabila ng lahat, nananatiling metatag si Andeng at labis na kumapit sa pagmamahlaan nila ni Anton. Hanggang saan mananatili ang kanilang pagmamahalan? Masira kaya sila ni Grace? ‘Yan ang dapat tutukan.

Kasabay nito ay ang pag-anyaya nila sa fans na makisaya sa kanilang Love Goals: A Love to Last Concert na gaganapin sa Setyembre 8, sa Kia Theater, 8:00 p.m..

Maaaring bumili ng tiket online sa www.ticketnet.com.ph o tawagan ang hotline na 9115555.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved