Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paulo, Ritz at Ejay gagamitin ang pag-ibig upang bigyang kahulugan ang walang hanggang “The Promise of Forever”
Paulo, Ritz at Ejay gagamitin ang pag-ibig upang bigyang kahulugan ang walang hanggang “The Promise of Forever”

Paulo, Ritz at Ejay gagamitin ang pag-ibig upang bigyang kahulugan ang walang hanggang “The Promise of Forever”

Titigil ang oras ng mga manonood dahil matutunghayan ang kuwento ng pag-ibig na habang-buhay isinumpa ng tadhana sa “The Promise of Forever” na mapapanood simula Lunes (Sept. 11) sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Bibigyan ng bagong kahulugan ng “The Promise of Forever” ang walang hanggan dahil imbes maging susi sa masayang pagmamahalan, ito ang magiging hadlang upang makamtan ng dalawang taong itinakda ang inaasam-asam nilang buhay at pag-ibig.

Kilalanin si Nicolas (Paulo Avelino), ang lalaking tinaguriang ‘immortal man.’ Hindi tumatanda at namamatay, kaya naman hangga’t wala pang lunas ang karamdaman, sinisiguro niyang hindi siya iibig sa sino man upang hindi masaktan nang paulit-ulit sa pagkamatay ng mga minamahal. Sa pamumuhay niya sa mundo nang mag-isa, marami siyang makikilala at isa na nga rito si Sophia (Ritz Azul), ang batang iniligtas niya mula sa isang sunog.

READ MORE:  Gandang Lalaki ng It’s Showtime, may palakasan?

Lubos ang pasasalamat sa ikalawang buhay, gagamitin ni Sophia bilang inspirasyon ang lalaking nagligtas sa kanya upang magsikap at bigyan ng maayos na kinabukasan ang pamilya.

Matapos ang maraming taon, magkukrus muli ang landas ng dalawa sa cruise ship na papasukan ni Sophia. Pipilitin ng dalagang kilalanin si Nicolas at aalamin kung siya nga ba ang lalaking nagligtas sa kanya, hanggang sa hindi inaasahang mahulog ang loob nila sa isa’t isa.

Ngunit magiging balakid pa rin ang sumpa ng ‘immortal man’ sa pagmamahalan ng dalawa na pipigil sa kanilang maabot ang buhay nilang inaasam. Bukod sa imortal na buhay, magiging hadlang din sa pagmamahalan nila si Philip (Ejay Falcon), ang lalaking nagmamahal kay Sophia na gagawin ang lahat upang mapasakanya. Sabay rin dito ang panganib na dala ni Marlon (Tonton Gutierrez), ang lalaking may misyong tapusin ang buhay ni Nicolas.

READ MORE:  Ria, ‘di maligawan dahil nai-intimidate raw kay Sylvia

Mahanap pa kaya ni Nicolas ang lunas sa kanyang sumpa? Paano nga kaya maipaglalaban ni Sophia ang pagmamahal niya para kay Nicolas kung nakahadlang sa kanila si Philip? Bukod sa maiinit na eksnea, siguradong magiging kaabang-abang ang mga tagpo ng “The Promise of Forever” dahil dadalhin nito ang mga manonood sa magagandang tanawin sa Czech Republic, Belgium, Netherlands, at Poland.

READ MORE:  Maricel at Uge, nag-away dahil sa lalaki!

Kasasabikan din ang premyadong cast ng serye kasama sina Cherry Pie Picache, Amy Austria, Benjie Paras, Susan Africa, Ynna Asistio at Nico Antonio. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Darnel Villaflor at Hannah Espia.

Huwag palampasin ang kuwento ng pangako ng walang hanggang pag-ibig sa “The Promise of Forever” ngayong Lunes na sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Para sa karagdagang impormasyon, sundan lang ang @DreamscapePH sa Instagram at Twitter at facebook.com/dreamscapeph sa Facebook.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved