Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4 patay, 5 sugatan sa tama ng kidlat sa Bacoor, Cavite
4 patay, 5 sugatan sa tama ng kidlat sa Bacoor, Cavite

4 patay, 5 sugatan sa tama ng kidlat sa Bacoor, Cavite

PATAY ang apat katao makaraan tamaan ng kidlat sa Bacoor, Cavite, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Rodel Darlo Rufin, 16; Jover Polistico Boldios, 35; Chris Sabino, 31, at isang alyas Jaypee Deramos.

READ MORE:  Kopya ng SALN ni Sereno naglaho

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag na tinamaan ng kidlat ang tatlo sa mga biktima habang nasa loob ng isang kubo malapit sa dagat sa Brgy. Alima dakong 8:30 am. Isinugod ang tatlo sa Las Piñas District Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

READ MORE:  Simbahan, gov’t magkatuwang sa rehab ng drug addicts

Habang lima pang mga sugatan ang dinala sa ospital upang lapatan ng lunas.

Samantala, si Sabino ay pumalaot upang manguha ng tahong nitong umaga ngunit laking gulat ng kanyang mga kasamahan nang makitang bigla siyang nawala sa kanyang bangka.

READ MORE:  Epal tarps babaklasin ng DPWH

Makaraan ang isinagawang search and retrieval operation, natagpuan ang bangkay ni Sabino sa ilalim ng dagat nitong Martes ng hapon.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved