Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Vice mayor ng Puerto Princesa timbog sa raid (Droga, baril nakompiska)
Vice mayor ng Puerto Princesa timbog sa raid (Droga, baril nakompiska)

Vice mayor ng Puerto Princesa timbog sa raid (Droga, baril nakompiska)

ARESTADO si Puerto Princesa Vice Mayor Luis Marcaida III makaraan makompiska sa kanyang bahay ang ilang armas at pakete ng hinihinalang droga, nitong Lunes.

Ayon sa ulat, hinalughog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at pulisya ang bahay ni Marcaida sa bisa ng search warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 53, dahil hinihinalang may koneksiyon siya sa ilegal na droga. Kabilang sa mga nakuha sa bahay ni Marcaida sa Brgy. Bancao-Bancao, Puerto Princesa, ang 30 pakete ng hinihinalang shabu, P280,000 cash, limang baril, daan-daang bala, tatlong rifle grenade, at isang hand grenade.

READ MORE:  Duterte napa-wow sa disaster response ng Israel
READ MORE:  Pinoy health workers ipadadala sa Africa (Tutulong vs Ebola)

Ininspeksiyon din ng mga awtoridad sa tatlong oras na operasyon ang mga sasakyan ni Marcaida at mga kalapit na lugar ng kanyang tahanan.

READ MORE:  Comelec humabol sa deadline ng comment sa Poe DQ cases

Mahaharap ang opisyal sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved