Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nora at Vilma nagsama, nagkatabi sa entablado
Nora at Vilma nagsama, nagkatabi sa entablado

Nora at Vilma nagsama, nagkatabi sa entablado

BIHIRA magsama at magkatabi ang dalawang reyna ng Pelikulang Pilipino na sina Superstar Nora Aunor at Star For All Seasons Vilma Santos sa isang entablado sa isang gabing itatatak na sa kasaysayan ng awards night sa katatapos na 33rd PMPC Star Awards For Movies noong Linggo ng gabi, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Pinagkalooban ng karangalang Ginintuang Bituin Ng Pelikulang Pilipino ang dalawang aktres at kapwa nanalo pa bilang Best Actress, si Vilma para sa Everything About Her at si Nora para sa Kabisera.

Sa harap ng dumadagundong na tilian at palakpakan ng mga tagahangang nagpatunay na buhay na buhay pa rin ang pagmamahal nila sa kanilang idolo nagyakapan, nagkuwentuhan, at nagpalitan pa ng mobile numbers ang magkumareng ilang taon ding hindi nagkita. Isa itong milestone na nalikha ng Star Awards, historikal nang maituturing.

READ MORE:  Rowell, Edu, Dawn at Alice mga bagong pasok na karakter sa FPJ’s Ang Probinsyano (Mag-inang Alma at Mark interesado sa serye ni Coco)

Naging madamdamin din ang pagtanggap ni Teen King Daniel Padilla ng kanyang kauna-unahang Best Actor award para sa Barcelona.

Emosyonal din kapwa sina Pen Medina at direk Joel Lamangan na tumanggap ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award at Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera.

READ MORE:  Token Lizares, ‘di napapagod sa pagtulong

Mangiyak-ngiyak din si Joshua Garcia sa kanyang acceptance speech dahil first time niya na magkaroon ng acting award.

Nagwaging Darling Of The Press si Luis Manzano, Loveteam Of The Year naman sina Kathryn Bernardo at Daniel (KathNiel) para sa Barcelona.

Hinarana nina Christopher de Leon at Cesar Montano sina Vilma at Nora, binuksan nina Christian Bautista at Isay Alvarez ang show sa kanilang awitin; sing and dance naman sina Sam Concepcion, Edgar Allan Guzman, at Darren Espanto.

READ MORE:  Sarah, mas gusto na ng matured roles

Ang 33rd PMPC Star Awards For Movies ay produksiyon ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino at idinirehe ni Bert de Leon.

Mapapanood ang kabuuan ng show sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa Setyembre 24.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved