Friday , April 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 2 barker binistay sa Maynila
2 barker binistay sa Maynila

2 barker binistay sa Maynila

BUMULAGTANG walang buhay ang dalawang barker ng pampasaherong jeep makaraan pagbabarilin ng ‘di kilalang riding-in-tandem sa magkahiwalay na lugar sa Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Anthony Gonzales, 48, residente sa 2091 Raxabago St., Tondo, at Benjamin Dela Roma 27, residente sa 1469 Metrica corner Simoun streets., Sampaloc, kapwa barker ng pampasaherong jeep. Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 6:00 pm nang pagbabarilin ng ‘di nakilalang mga suspek si Gonzalez sa panulukan ng Capulong at Velasquez streets, Tondo.

Habang si Dela Roma ay pinagbabaril ng riding-in-tandem sa harap ng isang gasolinahan sa A. Lacson Street.

Inaalam ng awtoridad ang motibo sa pagpaslang sa mga biktima kung ito ay may kinalaman sa droga.

(BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top