Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia Sanchez, kumakain ng tao sa horror-drama movie na Nay
Sylvia Sanchez, kumakain ng tao sa horror-drama movie na Nay

Sylvia Sanchez, kumakain ng tao sa horror-drama movie na Nay

KAKAIBANG Sylvia Sanchez ang mapapanood sa pelikulang Nay, na isa sa entry sa darating na Cinema One Originals sa November. Nagsimula nang mag-shooting ang naturang pelikula last September 1 at base sa IG post ni Ms. Sylvia, napaka-intense at interesting ang gagampanan niyang papel sa pelikulang ito. Isa kasi siyang aswang dito, isang kakaibang aswang.

Post ni Ms. Sylvia sa kanyang IG account: 1st day shooting!! NAY (you are what you eat) #CinemaOneOriginals Soon!!!

Sa naturang IG post ni Ms. Sylvia, makikita siyang nanlilisik ang mata habang katabi si Enchong Dee na may hawak na kutsilyo with matching na malaking sangkalan. May isang lalaki naman na tulog at nakalatag sa pinggan ang ulo.

1st day shooting!! NAY (you are what you eat) #CinemaOneOriginals Soon!!!

A post shared by Jojo Atayde (@sylviasanchez_a) on

Inusisa namin siya kung paano ide-describe ang pelikulang Nay?

Sagot ng premyadong aktres, “Horror-drama ang Nay at ang sarap paglaruan ng character ni Nay, kasi nag-iiba-iba siya ng anyo at ang lalim niyang aswang. Hindi siya basta-basta aswang, dahil marunong siyang magmahal na aswang.”

Masasabi n’yo bang ibang Sylvia Sanchez na naman ang mapapanood sa inyo rito?

“Yup, ibang Sylvia ang mapapanood dito, this time kasi ay nakakatakot na Sylvia, kasing tindi sa mata.

“Kasi kung ang mata sa The Greatest Love ay blanko dahil nga may sakit na Alzheimers, dito ay nanlilisik at nakakatakot ang makikita nilang mga mata ko, na parang sinasabi na, ‘Ingat ka lagi,’ dahil anytime aatakehin at bigla na lang matatanggal ang ulo mo sa iyong katawan,” saad ni Ms. Sylvia.

Samantala, bukod sa pelikula ay sinisimulan na rin ang bagong TV series ng award winning actress. Nabanggit niya na bagong challenge na naman sa kanya ang bagong serye sa ABS CBN. “Sobrang bagong challenge ito, kasi ibang klaseng ina naman ang gagampanan ko rito. Plus, makakasama ko si Arjo, so, challenge kasi kailangan nang makita ng mga tao rito, iyong character na gagampanan namin hindi bilang si Arjo at Sylvia na tunay na mag-ina, sa totoong buhay.”

DRA. ANNA MARIE
MONTESA,
IPINAGMAMALAKI
ANG MONTESA
MEDICAL GROUP

NA-FEATURE last Saturday sa ANC’s Graceful Living hosted ni Ms. Cory Qurino si Dra. Anna Marie Montesa. Siya ang Managing Director ng Montesa Medical Group (MMG), Shimmian Manila at si Dra. Anna rin ang dahilan ng pagbata at lalong pagganda ng maraming artista.

“Kami ay isa sa napili niya i-feature sa kanyang show dahil isa sa pinakamagaling pagdating sa anti-aging dito sa bansa ang Montesa Medical Group. Bukod dito, mayroon kaming latest technology na machine na pinupuntahan talaga ng aming mga client at mga artista.

“Cory Qurino is one of our avid clients for anti-aging therapy. We discused our ULTHERAPY laser, the only FDA approved for non surgical facelift and neck lift. It has no downtime and painless. You can see the effects right away. We also did Botox to relax the forehead lines and smile likes of Ms. Ana Capri. And dermal fillers to lift her cheeks for a younger looking contour of the face. Si Randy ay Botox and Ultheraphy,” wika ni Dra. Montesa nang aming pasyalan sa clinic niya sa Tomas Morato ay nandoon sina Ana at Randy.

Si Dra. Anna Marie ay graduate sa UST at ang plano niya sa Montesa Medical Group ay maging isang world class na clinic at kilalanin sa buong mundo bilang isa sa pinakamagaling at maunlad pagdating sa pagpapaganda. Plano rin ni Dra. Montesa na paramihin ang branches ng MMG sa mga susunod na taon.

Sa ngayon, ang mga branches ng Montesa Medical Group ay sa SM North EDSA-The Block, Greenhills, at Tomas Morato.

Bukod kina Ana at Randy, ang ilan sa celebrity endorsers nila ay sina JC de Vera, Kylie Padilla, EJ Falcon, Bea Binene, Alma Moreno, Johan Santos, Kim Rodriguez, Tippy Dos Santos, Ynna Asistio, at iba pa.

Ano ba ang usual na payo niya sa mga clients na conscious sa kanilang health and beauty? “We encourage people to visit MMG to take care of their skin and physique. We advised our patients to maintain on our signature European facial to take care of their skin and our Refirme body contouring and lipo melt body sculpting to maintain their sexy body.”

Ano po sa palagay ninyo ang dapat na mas pagtuunan ng pansin, health or beauty?

Esplika niya, “Parehong dapat pagtuunan ng pansin ang health at beauty, kasi parehong mahalaga ito sa atin. Dito sa Montesa Medical Group ay pareho naming pinapanatili ang health and beauty, kasi pareho itong mahalagang kayamanan ng bawat isa sa atin.”

 

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved