Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Guji Lorenzana, ginamit ang personal na experience para gumawa ng pelikula
Guji Lorenzana, ginamit ang personal na experience para gumawa ng pelikula

Guji Lorenzana, ginamit ang personal na experience para gumawa ng pelikula

NAKATUTUWA ang naikuwento ni Guji Lorenzana nang pumirma ito ng limang taong kontrata sa Viva Films ukol sa kung paano niya nakilala ang asawa at kung ano ang naging inspirasyon niya sa pagbuo ng pelikulang ginagawa nila sa kasalukuyan.

Sa kuwento ni Guji, hindi ito nahiyang ilahad na sa Tinder niya nakilala ang napangasawang si Cheska Nolasco. Aniya, napilitan siyang sumali sa naturang app dahil na rin sa buyo ng kanyang mga pinsan at matapos silang magkahiwalay ni Kay Abad.

“So, I’ll join Tinder. Gumawa ako ng profile and siguro ‘yung mga first swipe ko, ilang swipe lang, ‘yung wife ko agad ang nakilala ko,” pagbabahagi ni Guji.


Hindi naman naging madali para sa kanya na mapa-oo si Nolasco. “Actually hindi naman siya agad um-oo nang ayain kong mag-watch ng play. And hindi niya alam na artista ako. Parang noong nakita lang ng mga friend niya, roon lang niya nalaman na artista ako,” kuwento pa ni Guji.

READ MORE:  Vice Ganda, imbiyerna raw kay Kris

Aminado naman si Guji na may naramdaman agad siya kay Nolasco nang makita niya iyon sa Tinder. At nang manood na nga sila ng Wicked ay doon nila nalaman na click pala sila. Isang interior designer si Nolasco at matagal bago nagka-boyfriend dahil masyadong focus noon ang dalaga sa kanyang trabaho. Dahil din sa buyo ng mga kaibigan at kapatid kaya gumawa rin ng account si Nolasco sa Tinder.

READ MORE:  Fans nina Heart at Marian, nagsasabong na naman

Ani Guji, masuwerte siya na nagkita sila sa Tinder ng kanyang napangasawa.

“Puwedeng sabihing success story ‘yung sa amin.


“When I joined, siyempre ‘yung isip ko sa Tinder was the same for good time lang, have fun, single na ako eh so maghahanap ako ng ibang girls.

READ MORE:  Kris, nagiging tigre ‘pag kinanti ang mga anak at mga kapatid

“Very proud naman kami that we found love at Tinder,” sambit pa ni Guji na ikinasal kay Nolasco noong February 2016. At dahil successful ang kanilang love story dahil sa Tinder, naisip niyang gawing istorya iyon sa ipino-produce niyang indie film na sinisimulan na niyang i-shoot.

Anang actor, nais niyang ipakita na may maganda ring naitutulong ang Tinder tulad ng nangyari sa kanila ng kanyang asawa.

Bukod sa pagpo-produce ng pelikula, umaasa si Guji na magtutuloy-tuloy ang kanyang career ngayong nasa pangangalaga na siya ng Viva.

SHOWBIZ KONEK
Maricris Valdez Nicasio
COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved