Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Female singer, kailangang naka-bonggang make-up kapag makikipagtalik
Female singer, kailangang naka-bonggang make-up kapag makikipagtalik

Female singer, kailangang naka-bonggang make-up kapag makikipagtalik

MALAKI ang naitulong ng pagbabalik-loob ng isang female singer para tuluyang makalimot sa dati niyang kasama sa buhay.

Oo nga’t hindi kagandahan ang singer na ito pero hindi yata makatarungan na kailangan pa niyang maglagay ng katakot-takot na kolorete sa mukha, magmukha lang siyang desirable o kanasa-nasa sa kanilang pagniniig.

READ MORE:  Kagwapohan kay Papa P, sex appeal naman ang kay Iñigo Pascual

“Sinabi mo pa!” pagtitiyak ng aming source na noo’y awang-awa sa singer pero nanggigigil naman sa galit sa rati nitong dyowa. “Imagine, para lang ma-take ng kanyang dyowa na sipingan siya sa gabi, eh, kailangan niyang mag-make up ng bonggang-bongga?! Ano ‘yun, magko-concert ang dyowa niya na kuntodo muk-ap, eh, magse-sex lang naman sila?” dagdag pa ng aming impormante.

READ MORE:  Kuya Germs, 51 taon na sa showbiz pero aktibo pa rin!

Mabuti na lang at nagpasyang kumalas ang singer sa lalaking ‘yon, ”At least, ‘yung dyowa niya (singer) ngayon, eh, talagang tinanggap siya ng buong puso kesehodang ‘di namn siya kagandahan. Eh, impernes, maganda ang boses ng lola mo…birit kung birit!”

READ MORE:  Jen, aminadong sobrang pressured sa Just The 3 of Us

Da who ang ngayo’y masaya nang female singer sa piling ng kanyang mister? Itago na lang natin siya sa alyas na Maridol Centeno.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved