Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Young actress, tumatakas sa fadir madalaw lang si madir
Young actress, tumatakas sa fadir madalaw lang si madir

Young actress, tumatakas sa fadir madalaw lang si madir

HINDI pagsuway sa ipinag-uutos ng ama ang katwiran ng isang young actress kung bakit dinadalaw niya ang kanyang inang mayroong ibang kinakasama sa buhay.

Mula kasi nang maghiwalay ang kanyang mga magulang (sumama ang madir niya sa dance instructor nito), kabilin-bilinan ng kanyang ama na huwag na huwag nang makikipag-ugnayan sa mudrabels.

“Puwede ba naman ‘yon? Kahit bali-baligtarin natin ang mundo, nanay pa rin ‘yon ng aktres. Kung noon, eh, sunod-sunuran siya sa fadiraka niya, ngayong may isip na siya at nasa wastong edad, keber kung maimbiyerna ang pudra niya!” sey ng aming source. One time ay malapit lang sa set ng ginagawa niyang teleserye ang bahay na tinitirhan ng ina sa isang exclusive subdivision.”Ang ginawa ng young actress, noong breaktime, hindi talaga siya kumain sa set. Nagpaalam siya sandali sa production staff para dalawin ang madiraka niya!” dagdag pa ng aming kausap.

READ MORE:  Unisilver 10XGiving anniversary concert, sa May 15 na!
READ MORE:  Dating aktor sa sobrang hirap, kahit barya, tinatanggap na

Napag-alaman namin na may dahilan naman pala kung bakit hiniwalayan ng mudra ng aktres ang asawa nito, ”Eh, sino naman kasi ang makatitiis sa sobrang kakuriputan niyong fadir? At hindi lang ‘yan, nananakit pala itey! Kaya hayun, babu ang madir at kinasama ang nagtuturo sa kanya ng sayaw!”

READ MORE:  #YATO, a gift from God — Lance

Da who ang young actress na hindi nawala ang pagtangi sa kanyang madir kesehodang havey na itey ng bagong boylet? Itago na lang natin siya sa alyas na Inah Magdalena.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved