Tuesday , November 4 2025

‘Compressed’ work week lumusot sa Kamara (Endo lalawak pa — Gabriela)

NAKALUSOT sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagtatakda ng “compressed work week” o mas pinaikling bilang ng araw ng trabaho kada linggo para sa mga manggagawa.

Sa ilalim ng House Bill No. 6152, hahaba ang oras ng trabaho kada araw, ngunit kapalit nito’y mas mababa sa 6 araw kada linggo ang ipa-pasok ng manggagawa.

Inaamyendahan ng panukala ang umiiral na labor code.

Kapag nagkataon, maaaring lumagpas sa walong oras kada araw ang trabaho ng manggagawang sumusunod sa compressed work week. Ngunit hindi rin dapat lumagpas ng 48 oras kada linggo ang ipapasok ng isang manggagawang may compressed work week.

Itinatakda ng panukalang batas ang oras ng trabaho para sa mga doctor, nurse, at iba pang tauhan sa mga pampublikong ospital, maging sa social workers sa bawat munisipalidad o lungsod.

Maaari silang pumasok ng walong oras kada araw at limang araw kada linggo, maliban na lamang kung kailanganin ng kanilang komunidad na palawigin pa ang kanilang oras sa serbisyo.

Inilatag sa panukalang batas ang bayad para sa overtime pati na ang karapatan ng manggagawa sa linggohang rest day.

Ayon sa isa sa mga kongresistang nasa likod ng panukala, mas mapagbubuti ng compressed work week ang ‘work-life balance’ ng mga empleyado.

Ngunit hindi pa man ganap na batas, umangal na ang isang party-list sa umano’y masamang e-pekto ng compressed work week sa mga manggagawa.

Ayon kay “Gabriela Women’s Party” Representative Emmi De Jesus, lalong darami ang mga insidente ng endo o end of contract para sa mga manggagawa.

Paiigtingin din aniya ng panukalang batas ang kontraktuwalisasyon at makaaapekto rin sa take-home pay ng mga trabahador.

Kapag nagkataon aniya, mas magkakaroon ng dahilan ang mga kom-panya na kumuha ng mga kontraktuwal na manggagawa para ma-tiyak na tuloy-tuloy ang trabaho kahit umiiral ang compressed work week.

Ganito aniya ang sistema sa ilang kompanya sa economic zones.

Matatapyasan din ang kita at benepisyo ng mga manggagawa dahil nakabase iyon sa bilang ng araw na kanilang ipinapasok sa trabaho.

Giit ni De Jesus, makasasama sa kalusugan ng manggagawa ang trabahong hihigit sa walong oras kada araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …