Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / OFWs priority na sa pagkuha ng passport (No need for online appointments)
OFWs priority na sa pagkuha ng passport (No need for online appointments)

OFWs priority na sa pagkuha ng passport (No need for online appointments)

GOOD NEWS sa lahat ng overseas Filipino workers (OFWs).

Exempted na sa online appointments ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang halos 400,000 OFWs na kukuha ng passports para sa pagtatrabaho nila sa labas ng bansa.

Napagdesisyonan ito ng DFA dahil maraming OFWs ang nawalan ng oportunidad na makapagtrabaho sa labas ng bansa dahil inaabot nang dalawa hanggang tatlong buwan ang nakukuha nilang online appointments.

Sakali mang nakakuha ng appointments sa pagkuha ng passport, maghihintay pa rin nang halos mahigit isang buwan bago mai-release ang passport.

Dahil umano sa ganyang sitwasyon, imbes makakuha agad ng trabaho, nababaon pa sa utang ang mga nagpaplanong maging OFW.

Ayon kay DFA undersecretary Jose Montales inaprubahan na ang hiling ng overseas recruitment industry na ang new applicants para sa overseas jobs ay hindi na kailangan dumaan sa proseso ng online appointments system sa Consular Affairs Office.

READ MORE:  Pasay City officials, contractors, suppliers at bagman nag-junket sa Hong Kong

Sa rekord ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), mayroong 250-300 OFWs na kailangan ng land-based agencies at 100,000 OFWs para naman sa sea-based na nangangailangan ng passport pero dahil sa prosesong online appointments na halos inaabot nang tatlong buwan hindi ito napunuan ng manpower agencies.

Ang magiging resulta nito, kukuha ang mga nasabing kompanya sa ibang bansa para mapunuan ang kinakailangan nilang manpower.

Sa pakikipagpulong nina Federation of Manpower Exporters Inc. (FEDEMANEX) President Alfredo Palmiery at Coalition of Licensed Agencies for Domestic and Service Workers (CLADS) President Lucy Sermonia sa DFA officials, nakuha nila ang commitment ni USec. Montales na hindi na idadaan sa proseso ng online appointments ang mga bagong OFW na mayroon nang employer na POEA Accredited principal; at may endorsement ng FEDAMANEX at CLADS.

Lalagyan sila ng special OFW Lane sa Passport Offices sa buong bansa. Magdaragdag umano ang DFA ng machines and personnel sa regional offices at palalawakin ang Mobile Passporting Services (MPS).

READ MORE:  House Bill 456 ni Rep. Marcelino Teodoro para ipagbawal ang parking fees, CR for fee sa malls, suportahan natin! (Paging SM, Robinson’s, Ayala, Landmark & Trinoma)

Sa mga mapanganib na lugar a ibang panig ng mundo, ang DFA Consular team ay pupunta roon para sa renewal ng passports ng OFWs.

Wow!

Nakatutuwa naman talaga ‘yan. Malaking tulong para mabawasan ang mga Pinoy na walang trabaho. Pero sana, para maging lubos ang paglilingkod sa OFWs, bawasan din ng DFA ang singil sa kanilang passport na umaabot sa P1,200.

READ MORE:  Senado tinabangan sa TRAIN 2

Lalo na ngayong hindi sila makapagbigay ng garantiya na kaya nilang i-release ang passport sa tamang panahon…

Ang pinakamabilis yatang pagre-release ngayon ng passports ay halos isang buwan?!

Kailan ba ulit babalik sa dating 3-day to 7-day express release ang Philippine passports at 14 days kapag regular release?

DFA Secretary Allan Peter Cayetano Sir, mukhang kailangan ninyong tutukan ang bagay na ‘yan.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved