Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kikay, Mikay, pasok sa Little Big Shots
Kikay, Mikay, pasok sa Little Big Shots

Kikay, Mikay, pasok sa Little Big Shots

NAKATUTUWA ang mensaheng ipinahatid sa amin ni Mommy Dianne ukol sa kanyang anak at pamangking sina Kikay, Mikay. Ipalalabas na kasi ang pelikula nitong  njh  na tampok nga ang dalawang bibong bata bilang kapatid ng bidang si Ralph Maverick Roxas.

Ang Sikreto Sa Dilim ay idinirehe ni Mike Magat mula sa RM8 Films Movie Production ni Ramon Roxas.

READ MORE:  Pambato ng ‘Pinas, hanggang Top 10 lang; Miss South Africa, itinanghal na Miss Universe 2017

Ayon kay Mommy Divine, nakapasok sa International Film Festival Manhattan New Yok ang unang pelikulang sinabakan nina Kikay, Mikay.

Kaya naman ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil malaking achievement nang maituturing ang nagawa ng kanyang anak at pamangkin.

Sa September 14 mapapanood ang Sikreto Sa Dilim sa Manhattan, New York, at sa Okctober 19 at 23 naman sa New York Festival. Kasama rito nina Kikay, Mikay bukod kay Ralph sina Lovely Rivero, Akihiro Blanco, Dianne Medina, at iba pa.

READ MORE:  Max Collins itinuloy pa rin ang Sexy pose sa FHM Magazine (Kahit tutol ang kapwa Kapusong aktor boyfriend!)

Bukod sa pelikula, malaking achievement din ang pagkakasama nina Kikay, Mikay sa Little Big Shots sa ABS-CBN na ang host ay si Billy Crawford.

Ayaw pang sabihin ni Mommy Dianne kung anong talent ang ipinakita ng magpinsan, pero for sure, kakaiba iyon at dahil lahat ng batang itinatampok sa Little Big Shots ay pawang magagaling.

READ MORE:  Kinita ng I Love You To Death, bongga

Binabati namin sina Kikay, Mikay gayundin si Mommy Dianne dahil nagbunga na ang kanilang pagtitiyaga. More blessings to come sa inyo.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved