Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Panaginip mo, Interpret ko: Girl buntis sa panaginip ni mommy
Panaginip mo, Interpret ko: Girl buntis sa panaginip ni mommy

Panaginip mo, Interpret ko: Girl buntis sa panaginip ni mommy

Hi,

Nanaginip si mama na buntis dw ako ano kaya ibig sbhn nun? (09982736931)

To 09982736931,

Kapag nanaginip na ikaw ay buntis o mayroong buntis, ito ay simbolo ng aspekto sa iyong sarili o ilang aspekto ng iyong personal na buhay na lumalago o nade-develop. Maaari rin na ito ay nagsasabi ng ukol sa birth of a new idea, direction, project, o goal.

READ MORE:  Ang Zodiac Mo

Alternatively, kung ikaw naman talaga ay naghahangad na mabuntis, ito ay maituturing na simbolo ng takot sa bagong responsibilidad. Kung hindi ka naman talaga buntis at walang intensiyong magpabuntis, maaaring ang panaginip mong ito ay dahil sa ilang mga bagay na nagsilbing trigger para managinip nang ganito at wala naman talagang significance sa iyo at sa iyong sitwasyon, kaya hindi mo na ito dapat pang isipin.

Posible rin na kaya nanaginip ang mother mo na buntis ka, nag-aalala siya na mangyari ito sa realidad. Lalo na kung bata ka pa at nag-aaral pa, o wala ka pang asawa. Natural na maging alalahanin ng mother mo ang bagay na iyan at dahil diyan, malaki ang posibilidad na mag-manifest ito sa kanyang bungang-tulog, na siya ngang nangyari.

READ MORE:  Miley Cyrus, desperada sa pangungulila
READ MORE:  Panaginip mo, Interpret ko: Binigyan ng flower & sash

Normal lang naman kasi na kung ano ang laging laman ng isip ng isang tao, malaki ang posibilidad na mapanaginipan niya ito. Kaya kung ikaw ay bata pa, nag-aaral pa, at dalaga pa, mas makabubuting ingatan ang sarili at mag-focus muna sa pag-aaral para mas mapaghandaan ang iyong magandang future. Señor H.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved