Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Bandila ng Indonesia nabaliktad sa SEAG guidebook
Bandila ng Indonesia nabaliktad sa SEAG guidebook

Bandila ng Indonesia nabaliktad sa SEAG guidebook

UMANI ng kritisismo ang mga namamahala sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia matapos ang pagkakamali sa bandila ng Indonesia sa ipinamahaging souvenir guidebook sa lahat ng pinuno ng miyembrong nasyon.

Imbes pula sa ibabaw at puti ang nasa ilalim, nabaliktad ang imprenta ng bandila ng Indonesia at nagmukhang Poland, bagay na ikinadesmaya ni Indonesia Olympic Committee Chairman Erick Thohir.

READ MORE:  Fajardo target ang ikalawa niyang MVP

Kapabayaan aniya ito ng mga nag-organisa ng naturang ipinamahaging guidebook at kinakailangan umanong bawiin at palitan agad ng bagong imprenta.

Hindi ito nagustuhan ng Indonesia sa mismong pagbabahagi ng guidebook kamakalawa ng gabi sa idinaos na opening ceremony sa Bukit Jalil National Stadium sa Kuala Lumpur dahil sa lahat ng bansa, anila ay sa kanila pa ang namali.

READ MORE:  Magiging hilaw ang ensayo ni PacMan?

Nagningas ang bahagyang pagtatalo ng mga Indonesians at Malaysians sa social media.

Halos pareho ng kultura, relihiyon at lengguwahe ang dalawang magkapit-bahay na bansa.

Sampung beses nang nagkampeon sa SEA Games ang Indonesia habang isang beses pa lamang ang host ngayon na Malaysia. Huling sinungkit ng Indonesia ang kabuuang titulo noong 2011 sa Palembang at Jakarta habang ang Malaysia naman ay noong 2001 nang ganapin din ang kada-dalawang taon na patimpalak sa Kuala Lumpur, Malaysia. (JBU)

READ MORE:  Guiao tanggap ang pagkatalo

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved