Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Actor Robin Padilla nagkaloob ng P5-M para sa mga batang apektado ng giyera
Actor Robin Padilla nagkaloob ng P5-M para sa mga batang apektado ng giyera

Actor Robin Padilla nagkaloob ng P5-M para sa mga batang apektado ng giyera

ITO ang tunay na aksiyon, hindi sa pelikula kundi sa tunay na buhay.

Kung hindi nga lang sa transparency policy ng gobyernong Duterte, ayaw sana ng aktor na si Robin Padilla na mailabas pa sa media ang kanyang donasyon na P5 milyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinanggap ni Undersecretary Emmanuel Leyco para sa mga batang labis nang apektado ng giyera o krisis sa Marawi.

READ MORE:  Naghuhugas ba ng kamay si Mayor Rex Gatchalian sa pagdidiin sa may-ari ng Kentex?

Nauna nang napaulat na maraming bakwit sa Marawi ang kumalambre na ang pag-iisip dahil sa giyerang isinulong ng pamahalaan para tuluyang maigupo ang teroristang grupo ng Maute/ISIS group.

Ayon sa Palasyo, ang donasyon ni Binoe ay ilalaan sa mabilis na psychosocial intervention para sa mga kabataang todong apektado ng armadong labanan sa Marawi.

READ MORE:  Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ang ospital ay pagamutan hindi drawing lang!

Kung ang ilang ahensiya ng pamahalaan ay nagkibit-balikat sa ulat na maraming bakwit ang tila ‘nasiraan ng bait’ para kay Binoe mahalagang agad pagtuunan ng pansin ang usaping ito para hanggang maaga ay mailigtas ang mga bata at mga kabataang apektado.

READ MORE:  Airline Operators Council pumalag sa MIAA

Hats off to Mr. Robin Padilla!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved