Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bagong siyota ni Charice a.k.a. Jake Zyrus degree holder at ‘di hustler
Bagong siyota ni Charice a.k.a. Jake Zyrus degree holder at ‘di hustler

Bagong siyota ni Charice a.k.a. Jake Zyrus degree holder at ‘di hustler

KULAY rosas raw ang paligid ngayon ni Charice a.k.a Jake Zyrus dahil sa ikatlong pagkakataon ay inlavey na naman ang nagpapakalalaking singer and this time ang babaing napusuan ay isang nutritionist at fitness instructress from Davao City na si Shyre Aquino.

Biruan tuloy, aba’y parang naka-jackpot raw sa lotto si Jake dahil may siyota na siya may tagapag-alaga pa ng kanyang kalusugan. May mga komento rin na mukhang hindi hustler at bilmoko girl si Shyre, dahil sa interview sa kanya ay sinabi nitong minahal niya si Jake, kung sino at ano ang controversial artist?

Unlike Alyssa Quijano (ex ni Jake) kung ano-ano ang nababalita na kesyo inubos ang yaman ng dating live-in partner. At dahil may parating na concert ngayong October si Jake sa Music Museum ay marami raw interesado na makita nang personal si Shyre na wagas ang ipinakikitang pagmamahal sa kanyang karelasyong si Jake.

NEWCOMER DANCER/ACTOR
NA SI JOHN BART FEBRER
PAMBATONG TALENT NI RONNIE
CABREROS NG TAPE INC.

Bukod sa mabait at marespetong bata ang newcomer dancer/actor na si John Bart Febrer, hanga ang kaibigan naming talent manager na si Ronnie Cabreros from Tape Incorporated sa alaga dahil marunong raw tumanaw ng utang na loob!

READ MORE:  Alex Gonzaga proud maging endorser ng Krem-Top

Yes, very appreciative raw si John sa lahat ng effort na ginagawa ni Ronnie para magkaroon ng exposure sa mga event at TV guesting. Mahusay na dancer ang na-sabing baguhan at nakapaghasa na rin ng acting sa isang workshop kaya sabi ni Ron, ay puwede na raw isalang sa mga guesting sa teleserye si John.

Last month, kasama ng kanyang mga co-dan-cer sa Kiddos dance group ay nag-perform sila sa Retasso On Ramp, na ginanap sa isang kilalang mall sa Marikina. At kahit na hindi pa star ang kanilang grupo ay matindi ang impact nila sa crowd na labis na ikinatutuwa siyempre ni John at lahat ng kanyang co-members.

Samantala mahusay pala sa larong basketball si John at katunayan ay may team siya sa kanilang lugar at madalas ay champion sila sa mga liga.

CANDIDATES SA “MISS
MILLENNIAL PHILIPPINES 2017″
SA EAT BULAGA PANG-MISS
UNIVERSE AT MISS WORLD

Tuwing Sabado ay anim na kandidata mula sa 38 official candidates ng “Miss Millennial Philippines 2017″ ng Eat Bulaga, ang rumarampa sa stage ng Broadway Studio para magpamalas ng kanilang dancing ta-lent with matching introduce ng kanilang mga lugar kasama ang ipinagmamalaking tourist destinations na maaring bisitahin ng ating mga kababayan at banyaga.

READ MORE:  Anne, binaboy ang kantang Chandelier

Noong Sabado ay sabay-sabay na ipinakilala ang anim at tatlo sa pinalakpakan nang husto ng studio audience ay sina Miss Millennial Camarines Julia Gonowon at Kimberly Anne Bernal na Miss Millennial ng Cavite, Annie Uson Miss Millennial ng Pangasinan. Sa lakas ng audience impact at dami ng supporters sa Facebook Fan Page ng Eat Bulaga ay si Julia ang nagkamit ng Miss Followed Millennial sa FB.

Narito ang complete lists ng candidates: Miss Millennial ng Masbate Vanna Vefsie Discaya, Edelle Rose Pilatan (Bulacan), Jozlyn Manansala (Laguna), Camillie Folio (South Cotabo), Mary Justine Anne Lucero (Puerto Princesa Palawan), Chelsea Claro (Nueva Viscaya), Sofia Jane Panapanaan (Parañaque City), Joan Marie Abanza (Apayao), Teresa Soledad Cacciamiga (Camiguin), Jenwell Morante (Quezon Province), Kimberly Johnson (Zambales), Josephine Segovia (Guimaras), Allyza Molly Teodoro (Davao City), Jasmin Bungay (Pampanga), Berjayneth Chee (Misamis Oriental), Mary Jade Capin (Zamboanga Sibugay), Arriane Pia Gallotan (Baguio Benguet), Carina Carino (La Union), Naomi Leano (Tarlac), Ladylyn Santos (Quirino), Jeanevave Cabautan (Isabela) Carmela Villaruel (Sarangani), Czarmy Alcobe (Leyte), Jaya Pearl Cartujano (Capiz), Jenny Rose Ignacio (Caloocan City), Dianne Irish Joy Lacayanga (Ilocos Norte), Joannie Olila (Muntinlupa City), Shiara Joy Dizon (Negros Occidental), Tarilaye John Beke (Antique), Daniella Lamptey (Mandaluyong), Eleonora Valentina Laorenza (Aklan), Sarah Elizabeth Madrigal (Lapu Lapu City, Cebu), Chrischelle Maranon (Nueva Ecija) at mula sa Bataan na si Miss Millennial Patriz Anne Dabu.

READ MORE:  Yamishita’s Treasures, mala-The Mummy at Indiana Jones ang istorya

In fairness pang Miss Universe, Miss International at Miss World ang beauty ng candidates rito. Katuwang pala ng Eat Bulaga sa kakaibang beauty pageant ang Kopiko at McDonalds. Sino kaya sa mga kandidata ang tatanghaling kauna-unahang Miss Millennial Philippines 2017?

Abangan n’yo gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved