Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Korupsiyon sa Customs inamin ni Faeldon

Korupsiyon sa Customs inamin ni Faeldon

NAPALUHA si Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon habang kinakausap ni Senate Blue Ribbon Committee chairman, Senator Richard Gordon, sa pagdinig ng Senado hinggil sa P6.4 bilyon halaga ng shabu na nakalusot sa BoC ngunit nadiskobre sa isang warehouse sa Valenzuela City. (MANNY MARCELO)

SA simula ay tumangging sumagot si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon sa tanong ni Sen. Antonio Trillanes IV, ngunit kalaunan ay sumagot din at inaming may nagaganap na korupsiyon sa loob ng kawanihan.

Napag-alaman, naging tensiyonado ang

paghaharap nina Trillanes at Faeldon sa ikatlong pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay sa P6.4 bilyon halaga ng shabu na nakalusot sa BoC ngunit nakompiska sa isang warehouse sa Valenzuela City.

Ayon sa ulat, nagmatigas si Faeldon at hindi sinagot ang simpleng katanungan ni Trillanes kung may korupsiyon sa BoC.

READ MORE:  Pinoy kabilang sa 8 missing crew (Sa tumaob na barko sa Britanya)

Nakailang tanong si Trillanes na hindi sinagot ni Faeldon hanggang gumitna si Senador Richard Gordon at iginiit sa Customs official na sagutin ang katanungan ng senador, at huwag maging arogante at irespeto ang Senado.

“Kung kayo may alitan, huwag mo dalhin ‘yung alitan n’yo dito,” ani Gordon kay Faeldon.

Agad nangatuwiran si Fealdon at sinabi na inirerespeto niya ang mga senador at ang institusyon.

Aniya, sasagutin niya ang lahat ng katanungan ng mga senador ngunit maliban kay Trillanes dahil inakusahan na aniya siya ng senador na sangkot sa pagpuslit ng shabu.

Muling nagmatigas si Faeldon at hindi sinagot ang katanungan ni Trillanes kaya pansamantala ay tumawag ng recess si Gordon para kausapin si Faeldon nang masinsinan sa gilid ng plenaryo sa Senado.

READ MORE:  AFAD sa gun owners: Mag-apply ng LTOPF

Habang nag-uusap ang dalawa, naging emosyonal si Faeldon na tumulo ang luha at matapos ang pag-uusap at pagbalik sa pagdinig, sinagot niya ang katanungan ni Trillanes at sinabing may korupsiyon ngang nagaganap sa kawanihan.

(CYNTHIA MARTIN)

AGLP: ‘DI
LANG P6.4-B
SHABU MAY
UNA NANG
NAKALUSOT

NANINIWALA ang National Capital Region (NCR) Chapter of the Anti-Graft League of the Philippines na mayroong mga shipment na naunang nakalabas din sa Bureau of Customs (BOC) kahit naglalaman ito ng mga shabu.

Sa nakuhang dokumento ng AGLP, apat pang kaparehong shipment ang dumaan sa green lane.

Malaki umano ang naitulong ng testimonya ni Mark Taguba, ang naglabas ng shabu shipment, upang malaman ng publiko kung sino ang mga kumikita sa mabilis na pagpapalabas ng mga kargamento sa BoC.

“If one will peg one (1) container’s worth of smuggled drug at six point four (6.4) billion pesos per Congressional revelation and estimate them, the 4 missing similar containers shipped through the Green Lane should total to another 26 billion pesos,” suspetsa ng NCR Chapter of the Anti-Graft League of the Philippines.

READ MORE:  Nationwide quake drills kasado na

Nasa listahan ang importer/shipper Mr. Richard Chen ng Hong Fei Logistics sa lahat ng entry forms na nai-file para sa Green Lane, na pare-parehong naiproseso at cleared containerized shipment at ide-deliver sa iisang warehouse.

Ang green lane ay isang zone of clearance of shipments kung saan dumaraan ang lahat ng shipments para iproseso.

Hindi na daraan sa pagsisiyasat o alert call ang shipment na dumaan sa zone of clearance.

Ayon kay Mr. Gavino Velasquez, ang NCR Director of the Anti-Graft League of the Philippines sa panayam ng DWBL, “Taguba has similarly hoodwinked the Congress of the Philippines when he successfully obtained from Barbers’ committee on Dangerous Drug to grant him Legislative Immunity.” (J. SINOCRUZ)

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved