Friday , January 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bumagsak na naman ang piso
Bumagsak na naman ang piso

Bumagsak na naman ang piso

UMABOT na sa P51 ang halaga ng isang dolyar (US$1).

Ayon sa mga ulat, ito ang pinakamababa sa loob ng 11 taon, sa panahon na mayroong ‘bidahan’ ang Estados Unidos at North Korea (NoKor) ng kanilang mga armas pandigma.

Pirmi raw ang sukat ng NoKor kung hanggang saan ang kayang abutin ng kanilang missile.

Sabi ng NoKor, wala pa namang nuclear head ‘yung missiles kaya walang dapat ipag-alala ang buong mundo.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla, Jr., sinisikap nilang gawin na ang galaw ng ating lokal na pananalapi ay nakaayon sa economic fundamentals ng bansa.

Ani Espenilla, patuloy nilang minamatyagan ang galaw ng piso. Bagamat normal lang umano ang naganap na pagtaas ng piso dahil sa kaguluhan, ginagarantiyahan naman ni Espenilla, na patuloy silang magbabantay sa galaw ng piso para sa kapanatagan ng bansa.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

One comment

  1. niuginicebeer2009

    tumaas daw ang piso dahil sa kaguluhan…anong kaguluhan panloob o panlabas……?? kala ko ba maganda sa ekonomiya ng pilipinas ang pagtaas ng peso..sabi ni Diokno mismo….kung ganun naman pala..bakit hindi na lang paabutin ng 100 o higit pa ang palitan ng piso kontra dolyar para lalong mas maganda sa ekonomiya ng pilipinas….o baka naman ayaw lang ulit mangyari ni Diokno yong ngyari kay Erap na umabot ng 55 ang palitan ng piso at dolyar at alam naman ni diokno kung saan pinulot na kangkungan si Erap

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top