Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4 hepe ng pulis sa Calabarzon sinibak ni Bato sa illegal gambling
4 hepe ng pulis sa Calabarzon sinibak ni Bato sa illegal gambling

4 hepe ng pulis sa Calabarzon sinibak ni Bato sa illegal gambling

SINIBAK sa puwesto ang apat na hepe ng pulisya sa Calabarzon dahil sa kabiguang masugpo ang ilegal na sugal sa kanilang nasasakupang lugar.

Tanggal sa puwesto sina Supt. Zeric Soriano ng San Pedro City; Supt. Carlos Barde ng Sto. Tomas, Batangas; Supt. Giovanni Zibalo ng Lipa City, at Supt. Ronan Claraval ng San Pablo City.

READ MORE:  PNOY mag-iikot sa Semana Santa (Seguridad titiyakin)

Ayon kay Chief Supt. Mao Aplasca, hepe ng pulisya sa Region 4-A, sapat na panahon ang ibinigay niya para sa apat na opisyal upang maipahinto ang jueteng at iba pang uri ng sugal.

Matatandaan, una nang inatasan ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng regional directors na ipahinto ang lahat ng uri ng illegal gambling sa bansa.

READ MORE:  Pekeng bigas nasa Pasay City na?
READ MORE:  Pacman mainit na sinalubong ng fans  

Nagbabala si Aplasca sa iba pang hepe ng pulisya sa rehiyon na hindi siya mangingiming sibakin sa puwesto ang mga opisyal kung hindi nila maipahihinto ang operasyon ng illegal gambling sa kanilang lugar.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved