Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Token Lizares, isang multi-talented artist!
Token Lizares, isang multi-talented artist!

Token Lizares, isang multi-talented artist!

ISANG multi-talented artist pala si Ms. Token Lizares.

Akala ko kasi noong una ay sa field ng pagkanta lang ang forte niya, pero nang nakapanayam ko siya recently, nalaman kong bukod sa pagiging singer ay isa rin siyang composer at aktres.

Saad ni Ms. Token, “My album under Ivory Records will be out in the market anytime this month, pinamagatan itong Token Lizares, Till The World is Gone and will be distributed by Astro Plus Astro Vision nationwide.

Ang carrier single ko is Till The World is Gone composed by Vehnee Saturno. Ang iba pang cuts ay Ikaw Ang Sagot, Ganyan Ka Kamahal, One Life to Live at Time Moves On. Etong huli ako ang nag-compose at lahat ay si Vehnee na. Bale, five na original songs at five na minus one. Ido-donate ko sa mahihirap at may sakit ang proceeds ng album ko.

“May MTV na rin iyan, nasa Spotify na, iTunes, Google play, Amazon, nasa YouTube na at FB rin iyan. Ang two major sponsors of my albums are Aficionado by Joel Cruz at Ysa Skin Care.”

READ MORE:  Robin at Mariel bubuo ng baby sa Spain

Introducing din si Ms. Token sa indie film na Burahin Ang Mga Salot sa Lipunan starring Patricia Javier, Leo Martinez, Dan Alvaro, at iba pa, sa direksiyon ni Bert Abihay Dagundong. Gumanap din siyang BFF ni Shalala sa Pusong Ligaw.

“So bale, I’m a singer, composer, at actor na rin. Gumanap na rin ako as a grieving mother sa docu-film na Ang Timeline sa Buhay ni B and I will continue my advocacy, my mission in life — organizing concerts for a cause para mas marami ang matulungan. In house composer rin ako ng Ivory Recording Company, I also write jingles and songs for other artists. I’m the newest member of an all female band — Rhythm and Babes and soon we will be seen in big hotels and casinos,” aniya.

Katatapos lang niya ng fundraising concert na Awit Sa Marawi na produced ni Joel Cruz. Pinapurihan ni Ms. Token ang tinaguriang Lord of Scents. “Joel is an amazingly great producer with a great heart of gold! Lahat ng proceeds ay for Marawi, ganyan kabait at kamatulungin si Joel! I deeply admire him! Si Joel, makatao siya at maawain at handang tumulong sa mga nangangailangan. I love this great man, a real philantropist named… Joel Cruz of Aficionado.”

READ MORE:  Gretchen tinarayan ang netizen!
READ MORE:  Kim, makakasama na ang tunay na ina

Ang susunod na show ni Ms. Token ay para sa aming grupong TEAM (The Entertainment Arts & Media) na pinamagatang Team… Love sa August 16, 2017 (Wednesday), sa Music Box, Timog.

Bukod kay Ms. Token, tampok din dito sina Patricia Javier, Mart Escudero, Atty. Jemina Sy, Tori Garcia, Mavi Lozano, Rayantha Leigh, Josh Yape, at iba pa.

Ang isa pang show niya ay Muiscali3 (M2M2M) with Michael Pangilinan, Marion Aunor and Marlo Mortel. Gaganapin ito sa August 30, 9pm sa Zirkoh, Tomas Morato at tampok dito sina Marc Cubales, Natsumi Saito, Ryan Tamondong, Kiel Alo, Lara Lisondra, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved