Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ryza Cenon, super-daring sa Ang Manananggal sa Unit 23B
Ryza Cenon, super-daring sa Ang Manananggal sa Unit 23B

Ryza Cenon, super-daring sa Ang Manananggal sa Unit 23B

SOBRA ang pagiging daring ni Ryza Cenon sa pelikulang Ang Manananggal sa Unit 23B na isa sa entry sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). Ito ay magaganap sa August 16-22, na lahat ng sinehan sa bansa ay pawang local films lang ang ipalalabas.

Ang pelikula ay mula The IdeaFirst Company nina Direk Perci Intalan & Direk Jun Robles Lana. Kasama rin sa pelikula sina Martin del Rosario, Vangie Labalan, Cholo Barretto, at iba pa.

Gumaganap dito si Ryza bilang si Jewel, isang misteryosang babae na namumuhay mag-isa. Hanggang makilala niya si Nico (Martin) at magkalapit ang kanilang loob. Darating si Jewel sa punto na kailangang mamili kung mamahalin niya si Nico o ililigtas niya ang binata sa kanyang sarili.

Kabilang sa ilang eksenang dapat abangan dito ang daring na love scenes ni Ryza, pero ang pinakamatindi ang eksenang nag-masturbate siya. Sobrang daring at tindi nito and bigay na bigay ang Kapuso aktres habang nakahiga sa kama at panty at bra lang ang suot. Dito’y makikitang ang isang kamay ni Ryza ay hinahawakan ang kanyang boobs at minsan ay ipinapasok pa ang isang kamay sa loob ng bra niya upang salingin ang kanyang nipple.

Ang the height ng eksenang ito ay nang walang takot na ipinasok din ni Ryza ang isang kamay niya sa loob ng kanyang panty upang kalikutin naman ang kanyang pagkababae. Pero hindi malaswa lumabas ang naturang eksena, kailangan lang talaga kasi sa istorya dahil napakahalaga nito sa kabuuan ng pelikula.

Magaling ang execution ni Direk Prime Cruz pati ang pag-ikot ng camera sa kama, sa partikular na eksenang ito.

Aminado naman si Ryza na todo-bigay siya sa mga daring scene niya rito. “I was really all out here. First time kong magkaroon ng sex scene at masturbation sa pelikula,” wika ng aktres.

Dagdag niya, “Modern manananggal po ito, hindi ito katulad before noong mga bata pa tayo na may papatayin na manok, na may mga ritwal sila na ipapahid sa katawan nila. Eto, once na nag-come (orgasm) at saka siya nagta-transform bilang manananggal.”

Saan ka pinakanahirapang eksena? “Lahat naman e, iyong dalawang scenes na iyon. Kasi first time ko siyang gawin – iyong may love scene ako, sex scene at saka iyong masturbation. Hindi naman normal iyon sa TV na gawin, so first time kong gawin at first movie ko rin kasi ito na ako iyong lead.

“So, hirap na hirap ako, siyempre iyong mga expectation ng mga producer ko, iyong ine-expect nila sa akin, kailangan kong ma-meet iyon e, so kailangan kong galingan.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved