Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Maintenance worker naipit sa elevator, ‘di nakaligtas
Maintenance worker naipit sa elevator,  ‘di nakaligtas

Maintenance worker naipit sa elevator, ‘di nakaligtas

PATAY ang isang building maintenance worker nang maipit sa kinukumpuning service elevator sa isang condominium sa Parañaque City, kamakalawa .

Binawian ng buhay ang biktimang si Henry Villafranca y Escalante, 53, may asawa, ng Block D-11, Lot 3, Brgy. San Andres 2, Dasmariñas, Cavite, dahil sa matinding bali sa tadyang, mga sugat sa katawan at ulo makaraan maipit sa elevator.

Base sa ulat na ipinarating kay Supt. Jenny Tecson, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Southern Police District, natagpuan ng isang Mario Lopez ang walang malay na biktima na naka-stuck sa kaliwang bahagi ng car elevator sa loob ng Washington Tower sa Brgy. Don Galo, Parañaque City, dakong 10:15 pm.

READ MORE:  Riding in tandem sinita, sekyu utas
READ MORE:  Pacquiao itinumba si Vargas

Sa ulat nina SPO2 Israel Perez at SPO1 Walter Dulawan ng Investigation Detective & Management Section, ng Parañaque City Police, ayon sa salaysay ng bayaw ng biktima na si Arturo Abriza, nasa ibabaw ng elevator si Villafranca nang mawalan ng balanse kaya nahulog at una ang ulong bumagsak sa gilid makaraan gumalaw ang elevator. Nauna rito, nag-stuck-up ang naturang elevator dahilan upang akyatin at tingnan ng biktima sa ibabaw ng car elevator para kumpunihin ito.

READ MORE:  Kabesa todas sa killer-tandem (Tinaniman ng bala sa ulo habang pula ang traffic light)

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved