Thursday , September 27 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Dalagitang nakipiyesta hinalay, pinatay
Dalagitang nakipiyesta hinalay, pinatay

Dalagitang nakipiyesta hinalay, pinatay

LIBON, Albay – Hinihinalang ginahasa ang isang 17-anyos dalagita makaraan matagpuang hubo’t hubad sa isang abandonadong bahay sa bayang ito, nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa ama ng biktima, Biyernes ng hapon nang magpaalam ang anak na makikipiyesta sa Brgy. Salvacion, ngunit hindi na nakauwi.

READ MORE:  Sa kapirasong karne kelot utas kay bayaw

Sa parehong barangay nakita ang biktima na wala nang buhay, nakahubad at may mga sugat ang ulo mula sa hampas ng matigas na bagay.

“Di ko na nga nilapitan pero alam ko anak ko ‘yun. Iyong cellphone niya nasa kubeta,” sabi ng ama ng dalagita.

Dinala sa Legazpi City ang bangkay para matiyak kung ginahasa ang Grade 11 na biktima.

READ MORE:  Salon owner todas sa gunman

Blanko pa ang pulisya kung sino ang responsable sa krimen.

Nanawagan sila sa mga magulang na huwag payagan ang mga anak, partikular ang mga menor de edad, na dumalo sa mga piyesta.

READ MORE:  Pulis timbog sa pananakit, death threat sa 2 binatilyo

“‘Pag malalayong lugar, ‘wag nang payagan ang mga bata lalo’t madilim na. Sa bahay na lang para makaiwas sa ganitong pangyayari,” ani PO2 Maribel Maronilla.

Humingi ng tulong ang pamilya sa mga posibleng nakakita sa pangyayari na makipagtulungan sa mga awtoridad.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved