Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / ‘Tokhang’ hindi na kailangan sa Maynila akusado sa droga kusang namamatay sa masikip na hoyo
‘Tokhang’ hindi na kailangan sa Maynila akusado sa droga kusang namamatay sa masikip na hoyo

‘Tokhang’ hindi na kailangan sa Maynila akusado sa droga kusang namamatay sa masikip na hoyo

DINAIG pa umano ng ‘death penalty’ ang trending ‘este sunod-sunod na pagkamatay sa loob ng kulungan ng mga preso sa iba’t ibang estasyon ng Manila Police District (MPD).

Noong una, dalawang preso ang namatay sa detention cell ng MPD Malate police station (PS9) dahil siksikan na ala-sardinas.

Sumunod naman, ‘yung isang preso na namatay sa MPD Sta. Cruz station (PS3).

‘Yan ay dahil sa sobrang siksikan din ang kulungan.

‘Yang mga nategas na ‘yan dahil sa siksikang kulungan, ang mga asunto ay ilegal na droga.

Aba ‘e kung ganyan ang trending ngayon sa mga nasa detention center ng MPD, hindi na pala kailangan ang tokhang at operation double barrel…

Lalong hindi na kailangan ang ‘death penalty.’

MPD director Gen. Jigz Cordero, alam mo ba kung ano ang itsura ng mga detention cell sa bawat estasyon ng MPD?!

Magrekorida ka naman paminsan-minsan Sir, para makita mo ang sitwasyon sa mga estasyon mo!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved