Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bembol, bilib sa mga baguhang direktor
Bembol, bilib sa mga baguhang direktor

Bembol, bilib sa mga baguhang direktor

Still about AWOL, naging very vocal naman ang beteranong aktor na si Bembol Roco sa pagsasabing bilib siya sa ilang baguhang nagdidirehe ng indie movies.

Naniniwala siya na kapag nabigyan ng magandang break ang ilan sa kanila ay malayo ang mararating at magiging maganda ang kontribusyon ng mga ito sa mundo ng pelikula.

READ MORE:  Ai Ai delas Alas, pinuri ang galing sa pelikulang Area

“Yes. I’am impressed with them. Not to everyone. Marami sa kanila ang magagaling na mabigyan lang ng chance…dahil marami sa kanila ang masasabi kong magagaling,” aniya.

Naitanong din namin sa beteranong aktor ang kanyang saloobin ukol naman sa tinatahak na magandang career ngayon ng kanyang anak na sina Dominic at Felix Roco.

READ MORE:  Ejay falcon, ayaw ipabuking na naging mag-on sila ni Yam

“Okey naman sila. Kanya-kanya naman sila and masaya ako para sa ginagawa ngayon ng mga anak ko. Happy for them. Malalaki na sila! Alam naman nila lahat,” dagdag pa niya.

Ani Bembol, maipagmamalaki niya ang AWOL. Nakita niya rin ang galing Gerald Anderson kaya hindi na siya nagtataka sa kasikatang tinatamasa ni Gerald. ‘Yun na!

READ MORE:  Pelikulang nagpanalo kay LJ, 'di man lang naipalabas sa mga sinehan

Ang pelikulang AWOL po ay isang action-thriller na tatakbo ng 75 minutes na pinagbibidahan nina Gerald, Dianne Medina, Bernard Palanca, Richard Quan, Raymond Bagatsing, Jeric Raval, at Bembol Roco produced by Skylight Films and CineBro and distributed by Star Cinema.

REALITY BITES – Dominic Rea

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved