Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Christian Bables, excited na kinakabahan sa tatampukang MMK episode
Christian Bables, excited na kinakabahan sa tatampukang MMK episode

Christian Bables, excited na kinakabahan sa tatampukang MMK episode

IPINAHAYAG ni Christian Bables na magkahalong excitement at kaba ang kanyang nararamdaman sa tatampukang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, August 12.

“Saturday na po #Excited at #SobrangKinakabahn.” Saad ni Christian sa kanyang Facebook account.

“Eto po ang unang-unang MMK na pagbibidahan ko bilang si Ben Hernandez, kaya sana ay abangan po ninyo,” wika niya sa aming chat sa FB.

Mula sa tagumpay ng pelikulang Finally Found Someone, mapapanood ang 40th Gawad Urian Best Supporting Actor na si Christian sa MMK. Gagampanan niya ang kuwento ng buhay ni Ben na kapatid ng aktres na si Princess Punzalan.

Namulat si Ben (Christian) sa isang buhay na magulo at puno ng panghuhusga dala na rin ng mundong ginagalawan ng kanyang inang si Helen Vela (Gloria Diaz) at kapatid na si Princess Punzalan (Ritz Azul). Dahil nasa kanila ang mga mata ng publiko, hindi naiwasang makatanggap siya ng kaliwa’t kanang pangungutya tungkol sa kanyang pisikal na itsura lalo na sa pagiging anak niya sa labas na naging sanhi ng pagkawala ng kanyang bilib sa sarili. Gayonman, naging sandigan ni Ben ang kanyang pamilya sa lahat ng mga pangarap at pagsubok sa buhay.

READ MORE:  Ai Ai, gusto ring magka-anak kay Gerald
READ MORE:  Manang Inday, nasampal nang malakas si Manoy Eddie; Lito Lapid, papasok din sa FPJ’s Ang Probinsyano

Ngunit tuluyang gumuho ang buhay ni Ben nang namatay ang kanyang ina. Sa labis na kalungkutan, tinalikuran niya ang mga kapatid. Sa pagpupumilit mamuhay mag-isa, napadpad naman siya sa pagtratrabaho sa isang gay bar bilang isang macho dancer. Sa panibagong landas na kanyang kinahantungan, nahanap kaya niya ang pagtanggap at atensiyon na kanyang inasam? Nagkaayos kaya sila ng kanyang mga kapatid?

Makakasama rito ni Christian sina Ingrid dela Paz, Micah Javier, Alex Castro, Angelo Ilagan, JB Agustin, Kyline Alcantara, Nathaniel Britt, at Toby Alejar. Ito’y sa direksiyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Shugo Praico.

READ MORE:  La Luna Sangre, humataw agad sa ratings!

Sa ngayon kabilang sa pelikula ni Christian ang Ghost Bride starring Kim Chiu, Bagtik ni Direk Chito Roño, at Recipe For Love ni Direk Joey Reyes. Sa dalawang huling nabanggit na pelikula ay bida na si Christian.

Tampok din si Christian sa Born Beautiful na mapapanood sa Cignal Entertainment. Ito’y isang mini-series ng The Idea First nina Perci Intalan at Jun Lana. Magsisimula ang kuwento pagkatapos mamatay ng character ni Paolo na si Trisha.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved