Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ate Vi, inuuna muna ang trabaho sa Kongreso bago gumawa ng pelikula
Ate Vi, inuuna muna ang trabaho sa Kongreso bago gumawa ng pelikula

Ate Vi, inuuna muna ang trabaho sa Kongreso bago gumawa ng pelikula

HINDI totoo ang ipinagkakalat ng iba na nagkakawatak-watak na ang mgaVilmanian. In fact nananatiling intact ang VSSI, na siyang unified organization nila. Noon lang Linggo, nag-celebrate sila ng kanilang 30th. Anniversary at nakita namin na solid pa rin sila. Maski na iyong galing sa iba’t ibang probinsiya naroroon sa anniversary. Hindi nakarating si Ate Vi dahil sa isang naunang commitment ng kanilang pamilya, pero tumawag siya sa telepono, na ikinabit naman sa sound system para marinig siya ng lahat ng naroroon.

READ MORE:  DJ Janna Chu Chu at DJ Papa Ding, bagong tambalan sa Oldtime Goodtimes

Sa himig din ng pagsasalita ni Ate Vi, mukhang wala siyang naririnig sa sinasabing may isang grupo ng kanyang mga Vilmanian na humihiwalay na. Iyong VSSI naman, particularly ang presidenteng si Jojo Lim, at ang kanilang mga adviser na sina Ronnie Gan at Joey Cruz ay nagsabing ok lang dahil iilan lang naman iyong sinasabing humihiwalay at saka si Ate Vi pa rin naman ang sinusuportahan nila.

Inulit na naman ng mga Vilmanian kay Ate Vi ang tanong kung kailan nga ba siya gagawa ulit ng pelikula dahil naiinip na silang maipakitang muli ang kanyang puwersa. Ang sagot naman ng congresswoman, marami pa siyang trabaho ngayon at namimili kasi siya ng magandang proyekto dahil minsan na nga lang siyang gumawa ng pelikula, dapat iyong maganda na.

READ MORE:  Eugene, mag-aaral na lang, ‘di na gagawa ng movie
READ MORE:  Lyca, wala nang kaba tuwing may bagyo (Sa paglipat sa bagong bahay sa Camella)

Hindi naman kasi si Ate Vi iyong tipong dead na dead na gumawa ng pelikula. Maayos na naman ang kanyang buhay, at confident naman siya sa kanyang katayuan bilang isang aktres.

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved