Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Beteranang aktres, nanggigising ng mga co-star sa dis-oras ng gabi para makipag-throw lines
Beteranang aktres, nanggigising ng mga co-star sa dis-oras ng gabi para makipag-throw lines

Beteranang aktres, nanggigising ng mga co-star sa dis-oras ng gabi para makipag-throw lines

INIIWASAN na palang sagutin ng kanyang mga co-star ang tawag ng isangbeteranang aktres lalo’t kung dis-oras ng gabi.

At bakit? Ayon sa tsika, magugulat na lang daw ang mga co-star niya sa palaging bungad nito sa kanila sa telepono, ”Anak, hindi kasi ako makatulog, eh. Mag-throw lines tayo para ‘pag taping naMnatin bukas, eh, memoryado na natin ang mga linya natin. Siguradong matutuwa si direk niyan!”

READ MORE:  Early Christmas gift sa akin ang award na ito— Andrea Brillantes

Noong una raw, para hindi na lang mapahiya ang aktres ay sinasakyan na lang ng mga co-star niya ang kanyang “trip.”

Pero dumating na raw sila sa point na kahit ring ng ring ang kanilang cellphone ay deadma na sila sa tawag ng hitad.



Kinabukasan na lang sasabihin ng mga ito ang dahilan kung bakit hindi nila nasagot ang tawag ng aktres, ”Ah, eh, tita, pasensiya na po kayo. Pagod na pagod po kasi ako pagdating ng bahay, nakatulog po ako agad.”

READ MORE:  Pagpapalawig ng pelikulang-local, mapansin sana ni Digong
READ MORE:  Jeron, malakas ang batak sa fans (Got To Believe, lalong sisipa ang ratings)

Pero ang totoo’y gising na gising pa raw ang mga ito, na umiiwas na lang makipag-throw lines sa beteranang aktres na itago na lang natin sa alyas na Regina Paredes.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved